
Noted pioneer radio, television and film writer-director Fundador Soriano bids showbiz goodbye
A noted pioneer radio, television and film writer-director, he is best remembered as the writer-director to once popular TV soap opera “Flordeluna”, starring Janice de Belen. Besides being a writer-director he was a columnist for several publications, PR director of several film outfits at PR specialists for politicians including former Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, former Amb. Roy Seneres and incumbent partylist representative Mikee Romero.
Si Ka Fundy ang nagpasikat kay PGMA bilang Superstar ng Senado na dagling nagpanalo rito bilang Vice President ng bansa. Kaya naman sa ikalawang araw ng wake ni Ka Fundy ay present ang mag-asawang GMA at Atty. Mike Arroyo bilang pagbibigay respeto sa kanya. Nauna ring dumalaw sa kanya sina Ilarde at Rey Langit.
Malawak ang kaalaman at karanasan ni Ka Fundy sa show business. E kasi naman teenager pa lamang ay nag-umpisa na siya sa radio bilang writer at talent. Pitong boses ang kaya nitong gawin sa isang programa ayon sa kanyang bunsong kapatid na si Evelyn. Marami ring kwento si Ka Fundy tungkol sa mga artista na kasalamuha niya sa iba’t-ibang henerasyon. For the record, si Ka Fundy ang nagpakilala kay Nora Aunor kay Eddie Ilarde para irekomenda ito sa Tawag ng Tanghalan. And the rest as they say is history. A superstar was born. Unfortunately, the once singing superstar had never mentioned or acknowledged Fundador Soriano or Kuya Eddie as the persons who paved the way para makasali siya sa naturang patimpalak na kantahan na ngayon nga ay isang singing contest segment sa Showtime.
Katulad ng karamihan sa mga journalists ng bansa, hindi yumaman si Ka Fundy sa napiling propesyon. Katunayan nag-iwan ito ng pagkakautang sa hospital ng 1.5M dahil isang buwan siya sa ICU. Sana yung mga taong natulungan ni Ka Fundy noon ay tulungan naman siya ngayon sa huling pagkakataon.
I met Fundador Soriano by chance at Kabayan Publishing Inc. He was handling the entertainment page, while I was doing the health section.
May pagka-suplado si Ka Fundy at ‘mataray’ din. Pero madali ko rin naman siya nakasundo kahit minsan ayaw ko siya makasama dahil malakas siya nanigarilyo kahit sa loob ng opisina lalo na kapag nagde-deadline o nai-stress sa harap ng computer na noon ay first time namin ginagamay. At kapag kilala mo na si Ka Fundy ay punong-puno ng tawanan ang kwentuhan kahit pa sa gitna ng pagde-deadline para sa daily Tagalog broadsheet.
When I resigned from Kabayan at siya naman ay lumipat sa Journal Group of Companies, I presented myself as contributing writer and he gave me a section on OFWs around the World. Aside from this, pinagsulat din niya ako sa showbiz page at binigyan ng column, Showbits. Kaya naman bale si Ka Fundy ang nagbigay sa kin ng break as showbiz writer/columnist kahit pa naging editor na ako ng entertainment magazine noon bago pa kami nagkakilala. I did Celebrity World magazine for nearly four years.
Twice din ako nakarating sa Hong Kong dahil kay Ka Fundy courtesy of SUGAR na itinatag niya bilang samahan ng showbiz writers in support of the former President Gloria Macapagal-Arroyo. Katunayan, sa grupong ito ko nakilala ang mga batikang editors/writers na ngayon ay kasama ko sa PMPC (Philippine Movie Press Club) kagaya nina Sandy Mariano, Beth Gelena, Blessie Cirera, Timmy Basil, Gerry Ocampo at Cesar Pambid (SLN).
Naging kaibigan ko rin ang pamilya ni Ka Fundy – ang kapatid niya, si Lino, ang asawang si Mary Ann (Me-ann), at mga anak na sina Joan at GMA.

Sa mga kwento ni Ka Fundy kapag breaktime, nalaman ko na produkto siya ng “school of hard knocks.” He attended UST only up to first year as a philosophy and letters undergraduate then began working with ABS-CBN as an 18-year-old radio performer on DZXL. He said his father was a Sergeant in the Philippine military and he wanted to augment the family income. He later became a “ghost writer” for Ilarde’s radio program, “Kahapon Lamang” where he was a director and producer. Ka Fundy and the late Orlando Nebres conspired to write the scripts of the Channel 9 pioneering soap opera “Flor De Luna.”
Sept. 21 nung matanggap ko ang text message ni Me-ann at humingi ng tulong sa National Press Club dahil 8 araw na daw nasa-ICU si Ka Funday dahil sa komplikasyon at emphysema. Dali-dali namang tumugon sa kanya si NPC Director Benedict Abaygar. Sept. 22 muling nag-text si Me-ann at nagpapatulong para ma-connect sila sa actor na si Robin Padilla. Unfortunately, hindi nakarating ang mensahe ko kay Binoe…
Around 5 PM, Oct 14, magkasunod na nagpadala ng text message sina Lino at Joan na nagsasabing sumakabilang buhay si Ka Fundy gabi ng Oct. 13. Prior to getting confined, Ka Fundy was writing political and entertainment stories for tabloids.
Sa mga gusto pong makiramay sa pamilya Soriano, please visit Sampaguita Room, Funeraria Filipinas at Alabang Zapote Road, Las Pinas City. Sa Sabado ang interment ni Ka Fundy. You may call Me-ann (09215792696) at Joan (09051422766), and Lino (09231833590).