May 22, 2025
Nyoy Volante loves the discipline of theater
Latest Articles

Nyoy Volante loves the discipline of theater

Oct 13, 2016

Aminado ang acoustic singer na si Nyoy Volante na  nahirapan siya sa kanyang role bilang Frankie Valli sa musical na “Jersey Boys.”

“Iyong kasing character niya, hindi mo puwedeng i-stylize kasi true to life siya. Hindi ka rin puwedeng mag-improvise dahil ilalagay mo ang talaga ang sarili mo sa character niya,” aniya.

Hindi rin ikinaila ni Nyoy na kailangan niyang ibalanse ang pag-i-impersonate at pag-akto sa kanyang pagganap sa papel ng nasabing American music icon na sumikat noong ‘60s.

“When you’re on the stage, you have to transform. Hindi lang nimi-mimick mo iyong karakter kundi tumatagos pa roon. When you see the show, importante kasi na makita mo iyong ‘soul’ noong tao, kung paano na-transform ang buhay niya ng music,” sey ni Nyoy.

Bilang Frankie Valli, nakaka-relate si Nyoy sa mga awiting pinasikat nito.

“Iyong father ko, lumaki siya sa  music noong ‘60s at ng Four Seasons, so kabisado niya iyong mga hits nila. Kaya, nakatulong siya sa ginawa kong research. Pinanood ko rin iyon mga videos niya at naging batayan ko siya ko siya kung paano magiging katunog ng boses ko ang kanyang unusually powerful falsetto voice,” lahad niya.

Challenge rin sa kanyang kakayahan bilang singer ang pagkanta ng mga awiting pinatanyag ni  Frankie.

jersey-boys

“Ang pinaka-challenge ay kung paano mo masu-sustain iyong falsetto voice niya, all throughout the duration of the musical. I guess, nakatulong din iyong naging rehearsals ko at training na ginawa noon sa Your Face Sounds Familiar wherein iba’t-ibang musical icons ang ini-impersonate naming,” ani Nyoy.

Hindi man niya kinalakhan ang mga awitin ni Frankie, bilib naman siya rito.

“Frankie’s voice is iconic. He has followers, he has fans. So sobrang pressure kumbaga kapag hindi mo siya nagawa. I try not to let it bother me, pero ayoko rin namang maging complacent because people have expectations of me,” paliwanag niya.

Tulad ng concerts, naa-appreciate ni Nyoy ang disiplina sa teatro.

“May ugali sa sarili mo na nababago because of theater. Mataas din ang tingin ng mga tao sa isang nagpeperform sa teatro because of (the) difficulty (involved in doing plays). I’m not saying na people from theater are automatically mas magaling kaysa sa iba but definitely mas mataas ang pagtingin. Nakakatuwa kasi most of the people ganoon din ang nararamdaman, iisa kayo in that vision,” pagwawakas niya.

Ilan sa mga awiting pinasikat ni Frankie Valli at ng The Four Seasons ay ang Can’t Take My Eyes Of You, Big Girls Don’t Cry, Sherry, at Walk Like A Man.

Ilan sa mga musicals na nagawa na ni Nyoy ay ang In the Heights” (kung saan nag-hiphop siya), Legally Blonde the Musical”, Rent”, “Hairspray”, “Rock of Ages”, “Shrek the Musical” at maging ang local production ng  Kanser  na halaw sa nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere.

 Ang “Jersey Boys: The Musical” ay mapapanood sa Meralco Theater hanggang Oktubre 16.

Leave a comment