
Odette Khan celebrates third-time win for “Bar Boys;” Abra gets first acting award
Inanunsyo na ang mga nagwagi sa ika-41 na edisyon ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na ginanap kagabi sa Ayala Vertis North Tent sa Quezon City.
Waging best picture ang “Balangiga: Howling Wilderness” ni Khavn dela Cruz.
Ang nasabing pelikula rin ang tinanghal na Best Picture sa 66th Famas awards.
First time manalo ng best actor ng rapper na si Abra para sa pelikulang “Respeto” ni Treb Monteras na naging kalahok sa 2017 Cinemalaya filmfest.
Panalo naman bilang best actress si Joanna Ampil para sa MMFF movie na “Ang Larawan” ni Loy Arcenas.
Tinanghal na best supporting actress si Ms. Odette Khan kung saan ginampanan niya ang role ng istriktang law professor sa “Bar Boys” ni Kip Oebanda na naging kalahok sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino.
Matatandaang unang tinanghal na best supporting actress si Odette sa nasabing pelikula sa 2017 Star Awards for Movies na sinundan ng pagwawagi niya sa Famas ngayong taon.
Kung makokopo niya ang awards sa SPEED at FAP Luna awards, magiging grandslam ang magaling na character actress na aminadong ngayon lang nagka-award sa humigit kumulang na apat na dekada niya sa industriya.
Mula sa pagkapanalo niya sa Cinemalaya filmfest, naulit ang tagumpay ni Dido dela Paz bilang best supporting actor sa pelikulang “Respeto.”
Ang Mindanaoan filmmaker na si Arnel Barbarona ang nag-uwi ng best director trophy para sa pelikulang “Tu Pug Imatuy “ (The Right to Kill) na naging best picture sa 2017 Sinag Maynila Filmfest.
Si Barbarona rin ang tinanghal na best director para sa nabanggit na pelikula sa katatapos na Famas awards.
Ginawaran naman ng Natatanging Gawad Urian si Winston Raval para sa kanyang ambag sa paglalapat ng tunog at musika sa pelikula.
Ito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.
Best Picture: Balangiga:Howling Wilderness
Best Director: Arnel Barbarona (Tu Pug Imatuy)
Best Actor: Abra (Respeto)
Best Actress: Joanna Ampil (Ang Larawan)
Best Supporting Actor: Dido dela Paz (Respeto)
Best Supporting Actress: Odette Khan (Bar Boys)
Best Music: Khavn dela Cruz (Balangiga:Howling Wilderness)
Best Editing: Lawrence Ang(Respeto)
Best Sound: Corinne San Jose (Respeto)
Best Production Design: Gino Gonzales (Ang Larawan)
Best Cinematography: Mycko David (Neomanila)
Best Screenplay: Christopher Gozum (Dapol Tan Payawar Na Tayug 1931 or The Ashes and Ghosts of Tayug 1931)
Best Documentary: Yield (Victor Delotavo Tagaro and Toshihiko Uriu)
Best Short Film: Kiri Dalena, Gikan Sa Ngitngit Nga Kinailadman (From the Dark Depths)