May 22, 2025
Ogie Alcasid to fill up a 55,000-seating Philippine Arena for his concert; donates talent fee to fallen SAF 44
Latest Articles Music

Ogie Alcasid to fill up a 55,000-seating Philippine Arena for his concert; donates talent fee to fallen SAF 44

Feb 11, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

Ogie-Alcasid-1Si Ogie Alcasid ang kauna-unahang male singer na magso-show sa Philippine Arena, Victoria de Ciudad, Bocaue, Bulacan, the largest dome in the world na may 55,000-capacity sa February 20, 8PM entitled “MuSIKATin: Musikang Sikat Sa Atin”. First time na puro OPM ang mapapanood sa nasabing concert.

Guests din sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Michael V, Angeline Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloc 9, Jett Pangan at Ms. Vernie Varga. Musical director si Ryan Cayabyab together with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Si Paolo Valenciano ang director.

Ang buong talent fee o kikitain ni Ogie sa concert na ito ay ido-donate niya sa fallen SAF 44. May inihanda rin siyang awitin na handog sa mga SAF Brave 44.

“I know it’s not much, but minus taxes, I will give it to them, napakaliit lang na bagay ‘yun, but I think, I would feel better performing that night knowing that I’ll be performing in honor of these guys,” deklara niya.

Natawa na lang si Ogie nang biruin siya na dapat ay imbitahin niya ang kaibigan niya sa Malacañang pero sisiguraduhin niya kasi baka may ibang schedule.

Hindi raw nakasali si Regine Velasquez sa show na ito dahil may February 13 at 14 concert ito sa MOA Arena.

“Actually na-move kasi ito at the same time meron siyang concert. Mahirap kasi ‘yung ganoon, ‘yung magkasunod, maybe next time,” paliwanag niya.

Inamin ni Ogie na nate-tense siya sa gaganaping concert niya with some of our OPM artists sa The Philippine Arena dahil ito ay may 55,00 capacity. Pero sa announcement ng publicist ng concert na si Jun Lalin ay umabot na sa 70% ang nabentang tickets.

Nabanggit din ni Ogie na nagdadalawang-isip siya na ituloy ang concert dahil sa pagdadalamhati ng ating bansa ngayon sa pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

“Noong ako’y nagmumuni-muni, sinabi ko na “paano tayo magko-concert eh ang dami-daming gulong nangyayari sa bayan natin especially ‘yung nangyari sa ating brave 44, parang it was very difficult for me to. . .you know that a concert is a celebration. Sabi ko, parang ang hirap na mag-concert ng ganu’n,” bulalas pa ni Ogie.

df3c98c692216c22227aa2fdca10cbf9da744d60

 

 

TICKET PRICES
VIP – Php 1,760.00 (Reserved Seating)
LOWER BOX A – Php 1,240.00 (Free Seating)
LOWER BOX B – Php 930.00 (Free Seating)
UPPER BOX – Php 730.00 (Free Seating)
GENERAL ADMISSION – Php 310.00 (Free Seating)

Tickets are now available at all SM Tickets outlets nationwide and online at www.smtickets.com. Call 470-2222 for ticket inquiries.

 

 

 

Iglesia-ni-Cristo-members-during-the-inauguration-of-Philippine-Arena
©INCRadio
Philippine Arena 02
©Iglesia Ni Cristo Blogspot
INC-Fireworks-Display-from-Philippine-Stadium
Newmedia.org
Philippine-Arena-Fire-works
©DZRH News

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply