
Ogie Alcasid happy for his latest achievement; coming up with a new album soon
by Ruben Marasigan
Malaking karangalan daw para kay Ogie Alcasid ang magawaran ng achievement award na Parangal Levi Celerio sa katatapos na 7th PMPC Star Awards For Music.
“Sobra akong honored!,” aniya. “Siyempre galing sa Star Awards. At saka gawad Levi Celerio ‘yan, e kaya I’m very honored. Sobrang nagpapasalamat ako. Grateful ako, iyon ang nararamdaman ko.”
Ano ang mga bagong aabangaan sa kanya ngayon?
“May upcoming concert pero sa Valentine pa naman ‘yun. Tinatapos ko rin ‘yung bagong album ko and hopefully before Christmas ma-release na siya.
Wala pa kaming definite title para sa bagong album kong ito. Pero marami ritong original na songs na ginawa ko,” pagmamalaki pa ng singer-composer.
“Sa TV 5 naman, nando’n pa rin ‘yung show ko na ‘Happy Truck ng Bayan.’ Ngayon si Boss Vic (del Rosario) ang bago naming boss. We’re going to meet soon. Meron siyang kino-conceptualize na bagong show for me and I’m pretty excite with that too.”
“Nag-uusap nga kami kanina. Gusto niya ng singing contest na gaya ng kay Regine dati na Star For A Night so parang gusto niyang gano’n ang ibalik.”
No’ng una ba nabahala siya na nagkapalitan ng management sa entertainment?
“Siyempre. Pero nag-usap naman kami ni Ma’am Wilma (Galvante). Sabi niya… nandito pa rin naman ako. At ‘yong show na hawak niya ay nando’n pa rin naman ako at saka si Janno (Gibbs). So panatag naman ‘yong loob ko. Tuloy-tuloy pa rin ng taping namin, Nagkakaroon lang ng transition,” paliwanag pa ni Ogie.
“Okay naman ako, e. Ang mas inaalala ko lang siyempre ay ‘yong mga staff at ‘yong ibang crew namin na mawawalan ng trabaho, di ba? Pero… sadyang gano’n alaga sa TV, di ba? So hanggang makuha natin ‘yan (bagong show niya sa TV 5) e tuloy-tuloy lang ‘yan.”
Malapit na ang Holiday Season. May nabubuo na ba sila ni Regine na plans for Christmas?
“Dito kami ni misis. At saka ‘yung kids ko uuwi from Australia so we’ll be here. Parang reunion ito. From December 26 to 30.”
Kasama raw ng mga bata ang mommy ng mga ito at ex-wife niyang si Michelle Van Eimereen.
“Magkakasama kaming pupunta sa Boracay. One big family kami.”
Excited daw si Ogie para sa lalabas niyang bagong album.
“Wala pa kaming definite title para sa bagong album kong ito. Pero marami ritong original na songs na ginawa ko. This year kasi, my wife and I are celebrating our fifth year anniversary. So parang gift ko sa kanya ‘yong entire album kasi puro siya wedding songs. So since fifth anniversary namin ay idi-dedicate ko sa kanya ‘yon. Merong isang particular song do’n na poara sa kanya talaga. Ang title … “Ikaw Ang Buhay Ko.”
“Meron din akong isinulat na song do’n na idinedicate ko sa AlDub. “I Love You” ang title, it’s also included there.”
Hindi ba sila magbabakasyon o magha-honeymoon ulit ni Regine as part of celebrating their fifth year?
“Alam mo sa totoo lang, hindi pa kami nakakapag-honeymoon,” sabay ngiti ni Ogie. Hopefully this year makapagbakasyon kami abroad.”