May 24, 2025
Ogie Alcasid is not threatened with Janno Gibbs’entry to TV 5
Latest Articles T.V.

Ogie Alcasid is not threatened with Janno Gibbs’entry to TV 5

May 30, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

happy track ng bayan 01 Para sa singer-songwriter, TV host at comedian na si Ogie Alcasid, hindi isang banta sa kanya ang pagpasok ni Janno Gibbs sa bakuran ng TV5 kung saan magiging co-host niya ito sa pinakabagong game and musical variety show na ‘Happy Truck ng Bayan.’

“Siguro, noong bata pa kami, we were pitted against each other, lalo na dahil kay Manilyn,”pabiro niyang pahayag sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

“We’re past that stage na. As a matter of fact, I’m glad that Janno and I will be working again. Way back kasi, marami na kaming pinagsamahan from ‘Small Brothers’ pa sa ABS-CBN down to ‘SOP’ and ‘Party Pilipinas’ in GMA where we had our most requested segment na OJ where we did duets for the show,” paliwanag niya.

Sa kontrata mo sa TV5, kasama ba ang pagko-compose mo ng mga theme songs sa mga shows ng TV5?

“Iyong iba kasama pero hindi iyong pagkanta,” sabi pa ni Ogie.

Janno Gibbs is also composing and writing songs. Hindi ka ba natatakot na mawalan o mabawasan ng trabaho dahil iyong career path na tinatahak niya ay halos kapareho noong sa iyo?

“Hindi. Actually, kailangan ko siya. Iyong sa amin ni Janno, we don’t see it as a competition. We complement each other. Even iyong sa amin ni Michael V. na kahit magkaiba na kami ng kinabibilangan na networks ay nanatiling kumpare ko pa rin ngayon,” bulalas niya.

Ogie and JannoSa kontrata ba ni Janno bilang bagong Kapatid, may clause rin sa kontratang ganoon?

“Iyong pagko-compose, hindi ko alam. I think Janno is in a better position to answer that,” tugon niya.

Since isa ka sa mga creative heads sa ‘Tropa Mo Ko Unli’ does it mean na madadagdag na din si Janno sa gag show?

“Depende sa TV5 management. Hindi naman ako ang may hawak ng kontrata niya sa TV5, pero if ever, magiging welcome sa akin iyon,” turan niya.

Si Ogie at ang pinabagong Kapatid na si Janno ay magbabalik-tambalan sa ‘Happy Truck ng Bayan,’ ang pinakabagong noontime Sunday show na mapapanood na simula sa Hunyo 14 sa ganap na alas-11 ng umaga sa TV5.

Co-hosts rin nila ang TV5 prime actor at ‘Extreme King’ na si Derek Ramsay at Kapatid princess na si Jasmine Curtis Smith.

Maghahatid rin ng galak sina Gelli de Belen at Mariel Rodriguez-Padilla kasama sina Tuesday Vargas, Empoy at Kim Idol.

Kumpletos rekados rin ang programa dahil hatid nito ang weekly dose ng kilig mula sa Kilig Barkada na sina Mark Neumann, Shaira Mae at Akihiro Blanco ng ‘Baker King’ at sina Vin Abrenica, Sophie Albert at Chanel Morales ng ‘Wattpad Presents’ na ka-join rin sa saya.

Leave a comment

Leave a Reply