
“It’s okay with me to work with Direk Gina Alajar, I have no problem working with the Eigenmanns.”- Carla Abellana
Pasok na ang character ni Carla Abellana sa primetime series na Pari ‘Koy, kung saan makaka-partner niya si Gabby Eigenmann. Nang tanungin ang Kapuso actress kung may ilangan ba sila, lalo na’t pinsan ito ng ex-boyfriend niyang si Geoff, agad naman sumagot si Carla na okay sila ng InstaDad actor. “Okay naman [kami ni Gabby]. Ang bait-bait ni Gabby eh. Naka-work ko na rin si Gabby sa ‘Jillian: Namamasko po’.
Ang tagal na nun, drama rin yun. Wala naman kaming ilangan,” pagkukuwento ng Kapuso leading lady.Bukod kay Gabby, naka-trabaho na rin ni Carla ang iba pang Eigenmann at wala rin naman siyang naging problema doon.
“Naka-work ko na rin si Timmy (mas kilala bilang si Sid Lucero), love interest ko naman siya sa My Destiny. Si Ryan naka-work ko na siya sa Magpakailanman. Parang umikot lang [sila].” Nang matanong naman kung okay siyang maka-trabaho bilang direktor si Gina Alajar na ina ni Geoff, agad na sumagot ang aktres, “Okay lang, no problem.”
Anyway, teacher si Carla sa ‘Pari Ko’y’ at magiging kasintahan niya ang karakter ni Gabby Eigenmann na si Jude. Hindi na bago kay Carla ang gumanap na malambing at mabait sa mga tao, kaya naman gusto niyang sumubok ng iba pang roles. Nang tanungin kung gusto niyang gumanap bilang madre sa susunod niyang projects, sagot niya, “Hindi ko naman naisip, ayokong mag-madre. Gusto ko parang medyo dark yung character ko gaya ng murderer or serial killer. Para maiba naman, gusto ko yung suspense. Pwedeng action para may psychology,” pag-amin ng Kapuso leading lady.