
On and off cam: Daniel misses Kathryn everyday
Open na si Daniel na pag-usapan ang kanilang relasyon ni Kathryn na umabot na ng five years.
Sa loob ng panahong iyon na halos araw-araw silang magkasama, aminado rin si Daniel na nagkakaroon din naman ng “sawa” factor ang kanilang relasyon.
“Sa estado namin ni Kathryn, kami po, eh sa personal magkatambal pero sa trabaho namin, magkatambal din kami,” aniya.
“Ako, sa buong buhay ko sa showbiz, siya lang ang kasama ko hanggang ngayon. So, imadyinin n’yo na lang na sa personal, magkasama kami, pati sa trabaho.
“Everyday magkasama kami. Kung iisipin n’yo, eh mukhang masaya siya, hindi ba dahil araw-araw kaming magkasama pero siyempre darating ‘yung point na “araw-araw na tayong magkasama, Kathryn!” Ganu’n. Di ba? Darating, eh. Normal ‘yun,” pahayag ni Daniel.
Gayunpaman para raw hindi sila nagkakasawaan sa isa’t-isa dahil gumagawa sila ng paraan na gawing laging may excitement ang kanilang relasyon.
“So, the question is, paano siya magiging bago? ‘Yan na siguro ‘yung magic na sinasabi ko. Dumarating man kami sa puntong ‘yun, pero bumabalik din kami at nare-refresh kami sa mga sarili namin,” sey niya.
Kahit matagal na silang magkasama, nami-miss pa rin daw niya ang nobya.
“Nami-miss ko pa rin siya kahit araw-araw kaming magkasama. Totoo ‘yun. Hindi na nga kami sanay magkahiwalay, eh,” hirit pa niya.
Marami pa raw silang pagsasamahan ni Kathryn at looking forward siya sa mga gagawin nila together in the years to come.
“Marami pa kaming hindi nagagawa ni Kathryn, so looking forward din ako lalo na sa personal kesa sa trabaho, mas looking forward akong makasama pa si Kathryn sa mas marami pang mga byahe sa personal naming mga buhay dahil marami pa kaming gagawin,” sey ni Daniel.
Samantala, showing na ang The Hows of Us sa Aug. 29 mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Bukod sa Kathniel, kasama sa pelikula sina Darren Espanto, Ria Atayde, Alwyn Uytingco, Jean Garcia, Kit Thompson, Juan Miguel Severo at marami pang iba.