
On losing from the Binibining Pilipinas Beauty Pageant: “Of course, I was very disappointed. But after reading the reactions of everyone in social media, I felt like a winner”–Winwyn Marquez
by Vance Madrid
Bagamat talunan sa kanyang unang pagsabak sa patimpalak ng pagandahan si Winwyn Marquez, nagpapasalamat ang anak nina Alma moreno at Joey Marquez sa suporta na kanyang natanggap mula sa kanyang mga kamag-anak, kaibigan at fans. Marami ang na-disappoint sa naging resulta ng mga nanalo. Marami ding nagsasabi na dapat sana’y nakapasok man lang sana siya sa Top 5. Sa social media, ibinuhos ng kanyang mga taga-suporta ang kanilang mga sentiments at iba’t-ibang opinyon sa hindi pagkakasali ni Winwyn sa Top 5. Siya ay umabot lamang sa Top 15 kahit pa buong husay at kumpiyansa naman niyang nasagot ang mga tanong sa kanya sa Question and Answer portion ng katatapos lang na Binibining Pilipinas 2015.
Nakapanayam ng PSR si Winwyn through a common friend at heto ang ilan sa aming mga napag-usapan:
Kumusta na ba si Winwyn Marquez matapos ang nasabing patimpalak?
“Of course, I was very disappointed. Sino ba namang hindi? I gave my very best, I gave my all. Pero pagkatapos kong mabasa ang mga papuri ng mga tao sa social media gaya ng Tweeter, Instagram at Facebook. Feeling ko, para na rin akong nanalo.”
Sinasabi ng iba na kaya raw natalo si Wynwin ay dahil Channel 2 ang nakakuha ng coverage para sa Binibining Pilipinas. At dahil si Winwyn ay talent ng GMA 7 kung kaya’t hindi siya pinalad na magwagi. Si Pia Wurtzbach, na tinanghal na Bb.Pilipinas Universe ay isang dating talent naman ng Star Magic (talent management arm ng ABS-CBN Channel 2) kung kaya’t diumano ay mas naging “manok” nila ito.
Bukod dito may ilang ispekulasyon din ang nagsasabi na kaya raw nanalo si Pia Wurtzbach, candidate number 10, ay dahil umano sa ito ang bagong “apple of the eye” ni Pangulong P-Noy. May mga nakakita umano kay Pangulong P-Noy na kasama si Pia ilang araw bago ito naging busy sa nasabing patimpalak.
Marami rin ang nagmamaasim lalo pa’t base sa napanood ng maraming Filipino na naging mas mahusay si Winwyn sumagot sa mga tanong kaysa sa nagwagi na si Wurtzbach. Winwyn gave the most intelligent answer in the question and answer portion but sadly she wasn’t favored to win. However, Winwyn managed to bring home special awards such as Best in Talent, Best in National Costume and She’s So Jag awards.
Sa tanong kay Wynwin kung may balak pa ba siya na muling sumali sa Binibining Pilipinas gaya ng nanalong si Wurtzbach na maituturing nang “veteran” sa nasabing patimpalak dahil naka-tatlong beses na siya sumali bago niya nakamit ang coveted crown. Sabi ni Wynwin, “I don’t want to think about it right now. Kakatapos lang ng contest. Masakit sa akin na ako ay nabigo. Siyempre kahit papaano, umasa rin ako na maiuuwi ko yung korona diba? We’ll see. Sa ngayon, I’m happy that the pageant’s over and done with. Marami naman akong natutunan mula doon. So I would want to rest muna.”
As of press time, Wynwin’s not even sure if she will still pursue her showbiz career. “There are offers, but nothing’s definite yet. Despite all the glamor, joining a beauty pageant isn’t exactly a walk in the park, you know. It’s pretty exhausting. So I’m looking forward to spending time with those I love. I’d also want to do my part in my chosen advocacy because I know I’d be learning a lot from it. Bahala na si Lord.”
Ang kanyang proud na tita, ang aktres at dating Miss International na si Ms. Melanie Marquez ay hindi rin naitago ang kanyang saloobin. She posted on her Facebook account, “Teresita Sen a.k.a. Winwyn Marquez #34 fought a good battle in the competition of Bb.Pilipinas. She made me so proud and for me, she’s a true winner!”
Ang tanging masasabi lang ni Winwyn sa kanyang mga taga-suporta: “Well, ganoon talaga. It wasn’t for me eh. I’d like to thank everyone who had been rooting for me since day one, salamat sa inyong suporta. I’ve had the chance naman to know the girls. In fairness, I believe deserving din naman silang lahat,” pagtatapos ni Winwyn Marquez.