May 23, 2025
“In my opinion, Bb.Pilipinas is still the most credible beauty pageant” – Jonas Gaffud (Mercator Modelling Agency Manager, Mentor of Pia Wurtzbach)
Latest Articles

“In my opinion, Bb.Pilipinas is still the most credible beauty pageant” – Jonas Gaffud (Mercator Modelling Agency Manager, Mentor of Pia Wurtzbach)

Mar 19, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

unnamedPSR was able to interview Mercator Modelling Agency manager Jonas Gaffud who is also well-known for being the mentor of Bb. Pilipinas winners. Nagkaroon tayo ng pagkakataong mausisa ito hinggil sa ilang kontrobersiya tungkol sa katatapos na Bb. Pilipinas Pageant.

Protégé kasi ni Jonas ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Universe na si Pia Wurzbach, pati na rin ang iba pang winners na sina Christy Lynn Mc Garry (Bb. Pilipnas- Intercontinental), Anne Lorraine Colis (Bb. Pilipinas-Tourism), at ang second runner up na si Kimverlyn Suiza.

For this year’s Bb. Pilipinas, 13 out of the 34 candidates ang alaga ni Jonas. At 9 sa mga ito ay pumasok sa fifteen finalists kabilang na ang crowd favorite na si Teresita Ssen Marquez na mas kilala bilang si Winwyn Marquez.

Asiwang magbahagi si Jonas ng kanyang nalalaman tungkol sa mga isyu sa recently concluded beauty pageant. Lalo pa at sinabihan din daw siya ng mga taga-Bb. Pilipinas Charities na iwasang mag-comment kapag may press people na nakakausap.

Isa sa mga naging sentro ng kontrobersiya ay ang paraan ng naging paghu-host ni Toni Gonzaga. Negatibo ang reaksiyon ng iba kung bakit ginawang parang PBB (Pinoy Big Brother) nito ang BPP (Bb. Pilipinas Pageant) at inookray ang ibang candidates.

 

“Modern age na tayo,” ani Jonas. “Ako natutuwa ako at naaliw sa pagiging kuwela ni Toni.

“Tawa ako nang tawa talaga. Kasi kahit ‘yong mga alaga ko like sina Pia at Winwyn, may sinabi siya. Alaga ko rin ‘yong sinukat niya ang jawline.

“Masaya actually ang dating do’n sa audience na nasa Araneta Coliseum that night. Pero sa mga nanonood sa TV, sinasabi iba raw ang naging dating.

“Pero sa opinion ko, okey lang naman ‘yong ginawang pagpapatawa ni Toni. Para hindi ma-bore ang mga taong naroon sa Araneta.”

Toni-Gonzaga-Nina-Alagao-Bb-Pilipinas-2015-Hosting

Marami ang disappointed na hindi man lang napabilang sa mga nanalo si Winwyn. Nag-stand out din kasi ang dalagang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na bukod sa beauty, poise, and grace, ay ipinakita rin ang pagiging intelihente sa pagsagot sa question and answer portion.

Si Jonas ang nag-train kay Winwyn. Nakita niya ‘yong hardwork and determinasyon nito para mabigyang-katuparan sana ang pangarap na maging isang beauty queen.

wynwyn1“Oo, disappointed din ako na hindi siya nanalo. Pero hindi lang naman siya, lahat silang 34 na candidates ay ibinigay ang best nila.”

May plano ba uli si Winwyn na sumali next year?

“Wala pa kaming usapan tungkol do’n. Siya lang ang makakasagot niyan.”

Sa tingin niya, nakaapekto kaya ang pagiging GMA 7 talent ni Winwyn sa chance nito na manalo since sa ABS-CBN umere ang Bb. Pilipinas?

“Feeling ko hindi naman. Not at all.

“Para sa akin, ang Bb. Pilipinas pa rin ang pinaka-credible na beauty pageant. Kasi… alangan naman na lolokohin mo si Leila de Lima (na chairmain ng board of judges) o si Congresswoman Leni Robredo (na isa rin sa mga hurado) na dayain ang resulta?”

“Nasaan naman ang integrity ng mga taong ‘yon? Di ba?”

Balita ring bago nagsimula ang coronation night ng Bb. Pilipinas ay nawala ang damit na isusuot ni Pia sa opening number ng mga candidates. Nakita na lang daw ito na nakasiksik sa kung saan at dinumihan ng hindi pa malaman kung sino na kumuha nito.

Naaligaga daw ang production staff ng pageant na punas-punasan ang damit na iyon ni Pia at gawan ng paraan na pahiran ito ng kung anumang maipantatakip sa nakamarkang dumi rito. Sa puntong ito ay ayaw nang mag-comment ni Jonas hinggil sa issue. Mas mabuti raw na ang taga-Bb. Pilipinas Charities na lang ang tanungin.

Sentro rin ng intriga na ang alaga niya na nanalong Bb. Pilipinas-Intercontinental ay nag-compete na pala dati sa nasabing beauty contest na na-overlook ng mga nasa likod ng nasabing pageant..

Kaugnay nito, may balitang baka pagpalitin na lang daw ang ang winners ng Bb. Pilipinas-Intercontinental at Bb. Pilipinas-Supranational para maresolba ang isyu.

Pero meron ding latest news hinggil dito na nagsasabing hahayaan na lang daw ng Bb. Pilipinas Charities na mag-compete ulit ito para sa Miss Intercontinental pageant pero wala pang kumpirmasyon kung totoo nga ito.

“Hayaan na lang natin na ang mga taga-Bb. Pilipinas ang sumagot tungkol diyan. I’m sure they will be coming out with a statement kung ano na ang desisyon nila.”

Leave a comment

Leave a Reply