
Other celeb heroes here during ECQ
Ang award-winning actor na si Richard Quan at si Direk Neal Tan ay kabilang sa mga taga-showbiz na nagbigay ng kanilang simpleng ambag para makatulong sa mga nangangailan ng ayuda.
Kabilang na rito ang frontliners natin na definitely, mga bagong bayani ng bayan na ang kategorya ngayon.
Sa kanilang tahimik at simpleng pamamaraan, binuhay nina Richard at Direk Neal ang bayanihan, na kilalang traits noon ng mga Pinoy.
Actually, sobrang low profile lang talaga ng dalawang showbiz personalities na ito habang ginagawa ang kanilang pagtulong sa kapwa.
Umiwas nga sa interview si Richard at nirerespeto at naintindihan naman namin ito.
Kilala na namin ang pagiging matulungin nina Richard at Direk Neal dahil lagi silang tumutulong at umaalalay din sa grupo naming TEAM (The Entertainment Arts & Media).
Base sa FB post ni Direk Neal, namigay siya ng loaf breads at personal na nagluto ng mga pagkain para ibigay sa covid-19 frontliners, sa mga homeless, the needy families, at sa mga kapitbahay bilang simbolo ng bayanihan spirit.
Si Richard naman, matapos magdala ng mga relief goods for almost two weeks ay nagpasyang mag-self quarartine na. Ito’y base na rn sa kanyang FB post:
After experiencing the battleground for 13 days I thought staying home/self quarantine is easy….NOPE! ang hirap!(wink)…
posting these random pictures to remind us na
mahaba pa po ang laban, but we can ease the burden by
*simply asking people how they are…
*STAYING HOME…
*verify before posting…
*observe social distancing…
*encourage each other
*practice proper hygiene …
so many of our countrymen are desperate at this time, please be sensitive enough when posting and if u can help by donating in a REPUTABLE org, please do so… we are in a critical stage… but WE WILL WIN THIS WAR!…
To Richard and Direk Neal, saludo kami sa inyong dalawa! May your tribe increase.