“Pacquiao is just a liar without skills.” – Mayweather Sr.
Matagal nang natapos ang tinaguriang “Fight of the Century” ngunit tila hindi pa rin maka-get over si Floyd Mayweather Sr. dahil hindi pa rin tapos itong magsalita at magpasaring laban kay Pambansang Kamao, Manny Pacquiao.
Si Floyd Mayweather Sr. ay isang former professional boxer at kasalukuyang boxing trainer. Lumahok ito ‘sa welterweight noong 1980’s. Kilala siya sa kanyang defensive ability. Siya ang nag-ensayo kay Oscar De La Hoya, Joan Guzman, Mathew Macklin, Chad Dawson at sa kanyang anak na si Floyd Mayweather Jr.
Sa interview sa Fight Hype, sinabi ni Mayweather Sr. na kulang daw sa puso si Pacquiao at iginiit nito na hindi siya naniniwalang may dinaramdam ito sa balikat niya na dahilan ng pagkatalo nito. Pinuri naman ni Mayweather Sr. ang nakatakdang makalaban na susunod ng kanyang anak na si Andre Berto. Sinabi nitong mas magiging panganib si Berto sa career ng kanyang anak kaysa kay Pacquiao.
“I think Berto will probably give a better fight than Pacquiao because he didn’t do nothing at all because he wanted to make up excuses,” ani Mayweather Sr. “There was nothing wrong with his arm, there was nothing wrong with his eyes, was nothing wrong with his lips. Something was wrong with his heart.”
Matapos ang laban nila ni Mayweather Jr. at Pacquiao ay mayroon daw torn rotator cuff sa kanyang kanang balikat si Pacquiao kung saan nakaapekto sa kanyang laban niya kay Mayweather Jr.
“He couldn’t cruise. Floyd was tearing him up. He couldn’t do nothing. Pacquiao is just a liar with no skills,” dagdag ni Mayweather Sr.