
Padilla siblings, reunite in “2 and ½ Daddies”
Happy sina Robin at Rommel Padilla na isang makabagong sitcom na handog ng TV 5 na “2 and ½ Daddies” ang magbubuklod sa kanila sa kapatid na si BB Gandanghari.
“Noon kasi, ingat na ingat kami sa pakikitungo sa kanya. Na minsan, sa sobrang relaxed namin, nasasaktan na namin siya. Dahil sa programang ito, nawala iyong barrier, dahil sa set, dinadaan na lang namin sa biro ang lahat at mas nakakapag-bonding kaming magkakapatid”, pagbubunyag ni Robin.
Mas naiintindihan mo na ba si BB ngayon kumpara kay Rustom noon?
“Kapapanganak pa lang ni BB at patay na si Rustom. Kung saan siya maligaya, susuportahan namin siya, pero dahil isa kaming pamilya, dapat na isipin rin niya na sa bawat ginagawa niya ay may nakakabit na responsibilidad”, makahulugang pahayag ni Robin.
Masasabing almost a family affair itong bago ninyong sitcom. Bakit hindi kasama sa cast si Royette?
“Gusto sana talaga naming kasama siya, kaso noong nag-final casting na, hindi na siya natuloy. Pag pinalad na magkaroon ng second season, posible na makasama siya,”tsika ni Robin. “Iyon ngang role ni Mommy Vi na ginagampanan ni Ms. Celia Rodriguez, dapat kay Mommy Eva iyon, kaso nagkasakit siya, pero sulit naman, dahil halos pareho sila ni Mama sa ugali”, pahabol ni Robin.
Uso na ngayon ang gay marriage, hindi lang sa showbiz kundi sa ibang larangan. Kung sakali bang magde-desisyon si BB na magpakasal (sa kabaro niya), willing ka bang ihatid siya sa altar?
“Hindi ko problema iyon,dahil ako ang pinakabata. Problema iyon nina Royette at Rommel. Pero kung trip niya iyon, sino ba naman kami para hadlangan ang kanyang kaligayahan”, pagwawakas ni Robin.
Binibigyang buhay ni Robin Padilla ang papel ni Apol, isang raketerong mapagmahal sa ina sa pina-riot na comedy event ng taon ang “2 and ½ Daddies” na mapapanood tuwing Sabado, sa ganap na alas-8 ng gabi sa TV 5.
Maliban sa Padilla siblings, magpapakuwela rin sa “2 and ½ Daddies” sina Alice Dixson, Dennis Padilla, Francine Prieto at Alberto Bruno ng Artista Academy.
Follow me…