May 22, 2025
“Looking back where you came from”, “preserving family ties” are just few of the lessons learned by Rocco Nacino in filming ‘Balut Country’
Latest Articles Movies

“Looking back where you came from”, “preserving family ties” are just few of the lessons learned by Rocco Nacino in filming ‘Balut Country’

Feb 23, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

unnamed Going back to one’s roots. Coming back to where the heart is. Preserving family ties. Ito ang ilan sa mga lessons na natutunan ni Rocco Nacino sa paggawa niya ng ‘Balut Country’ ang official entry ni Direk Paul Sta. Ana (Oros) sa first Sinag Maynila Film Festival na gaganapin ngayong Marso sa piling SM Cinemas.

May knowledge ka ba ng “balut industry” sa Pilipinas?

“Iyong Mom ko is from Pateros. May scenes rin kami sa Pateros. Ipinakita sa film iyong paggawa ng balut traditionally. Excited nga iyong lola ko na mapanood dahil it’s something uniquely Pinoy at very relevant,” kuwento ni Rocco.

Kumakain ka ba ng “balut”?

“Oo naman. Noon, nakakaapat akong balut sa isang araw. Pero, ngayon, pahinay-hinay lang. Minsan, isa na lang,” tsika niya.

Ano ang mga social issues na involved dito sa ‘Balut Country’?

“Siyempre, may mga sundot sa plight ng mga workers natin, pati na iyong suportang nakukuha nila. Pero, it’s more of a moral dilemma. Kasi, iyong karakter ko as Jun, heir ako sa isang itikan na walang alam sa pamamahala ng negosyong naiwan ng kanyang ama. May mga personal siyang pinagdadaanan, financially and emotionally, so he must decide whether to sell his property or spare the family noong mga katiwalang posibleng mawalan ng trabaho at kabuhayan,” deklara niya.

Tungkol naman sa personal na buhay mo, wala ka bang balak na lumagay sa tahimik o sumagi na ba sa isip mo to settle down?

“Batang-bata pa kami Lovi (Poe). Wala pa kaming balak to settle down.”

Hindi ka ba naiinggit sa ibang showbiz couples na nagpakasal na?

“I’m just happy that I’m in love. Everything will take place at the proper time. The good thing about our relationship ni Lovi is that we continue to support each other,” pagtatapos niya.

Kabituin ni Rocco sa “Balut Country” sina Ronnie Quizon, Angela Cortez, Nanette Inventor, Vincent Magbanua, Archi Adamos, Jelson Bay, Leo Sarmiento at Denise Jewel Alfonso.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply