
‘Pangako Sa’yo’ faces complaints from MTRCB for “foul language”
By PSR News Bureau
Bagamat malakas ang hatak at tunay naming pumapalo sa TV ratings ang Kapamilya teleserye na ‘Pangako Sa’yo,’ nagkaroon naman ito kamakailan ng isang isyu ukol sa reklamo galing mismo pamunuan ng Movie and Television Classification Board (MTRCB), nitong nakaraang May 29 episode dahil sa salitang binanggit ng aktres na si Pilar Pilapil (na gumaganap bilang si Donya Benita Buenavista) na kasama sa iskrip kung saan sa isang eksena, sinabi nito sa karakter ni Ian Veneracion (bilang Eduardo Buenavista) na: “Kung pampalipas-libog lang iyan, that’s okay. Go ahead!”
Hindi ito tinanggap ng MTRCB dahil parang sinasabi nito na ‘okay lang gumamit ng babae para mabigyan ng panandaliang solusyon ang isang pagnanasa o init ng katawan kahit pa nakatakda ng magpakasal ang karakter na ginagampanan ni Ian.’
Ayon sa MTRCB, kinakailangang mapaliwanag sa publiko at manonood ang kahalagahan ng dignidad ng isang babae at ang kabanalan ng kasal.
Kaugnay nito, ipinagpapaliwanag ng MTRCB ang mga taong nasa likod ng produksyon ng teleseryeng ‘Pangako Sa’yo’.