May 24, 2025
PAO Chief Persida Acosta: Mala-pelikula ang mga hinahawakang kaso; hindi titigil sa pagtulong sa mga inaapi
Latest Articles

PAO Chief Persida Acosta: Mala-pelikula ang mga hinahawakang kaso; hindi titigil sa pagtulong sa mga inaapi

Feb 25, 2015

leony@garcia
by Leony Garcia

3 Hindi maitatanggi na kahit paano’y gamay na ng butihing abogada na si Atty. Persida Acosta ang showbiz dahil na rin sa naging hosting stints nito sa shows ng TV5 gaya ng ‘Face to Face’ at ‘Public Atorni: Asunto o Areglo’.

Malapit din siya sa showbiz media at dagling tumutulong sa kanila pag dating sa mga usaping legal. Kaya naman pinarangalan siya ng Philippine Movie Press Club bilang Darling of the Press noong 2012.

At kamakailan ay nagkaroon pa ito ng cameo role sa pelikulang Maratabat, entry sa New Wave category ng Metro Manila Film Festival 2014. Bale ito ang pinakauna niyang paglabas sa isang pelikula and she portrayed a role which she truly does best – as a judge.

9Sa tunay na buhay, malapelikula ang mga hinahawakang kaso ni Chief Acosta. Isa na rito ang MV Princess of the Stars na lumubog sa kasagsagan ng bagyong Frank noong 2008. May 700 buhay ang nawala dito either confirmed death or still missing as of this time after seven years.

Kaya naman ikinatuwa ng PAO chief ang pagkakatanggal ng lisensiya ng Sulpicio Lines, may-ari ng MV Princess, nitong February 16 na magsakay ng pasahero. Pero hindi dito nagtatapos ang kaso. May 200 biktima ang patuloy na ipinaglalaban ng PAO upang mabigyan ng hustisya ang kanilang kamatayan na ang pinakahuling hearing ay ginanap nitong Martes, February 24.

2Malapelikula rin ang kuwento ng buhay ni dismissed Cadet Jeff Aldrin Cudia mula sa Philippine Military Academy (PMA) na tinutulungan din ng hepe ng PAO (Public Attorneys Office).

Everybody’s hoping for the best for him na makuha ang academic records sa PMA at makapag-aral na muli. But the Supreme Court’s affirmation on his dismissal also on Tuesday came as a bad news for him, the country’s young people and their parents, and the Philippine society as a whole.

Saan na pupunta ang batang kadete kung mismong ang kataas-taasang hukuman ng bansa ay humusga na rin sa kanyang kapalaran? Hindi ba’t tungkulin ng pamahalaan na ipagtanggol at pagyamanin ang kabataan nito, tulad ni Cudia, na siyang pag-asa ng bayan?

1“Para na rin siyang pinatay kasama ng SAF fallen 44 sa Mamapasano, Mindanao,” ayon kay Fr. Robert Reyes na ginanap na press conference sa opisina ng PAO nitong Lunes.

Lunes, February 23, inimbitahan ni Chief Acosta ang print at TV reporters upang ibalita ang mga kaganapan sa mga kasong ipinaglalaban ng ahensya. And they were hoping for the best for Cudia who have decided not to pursue his military career.

Sa dami ng mga kasinungalingan ngayon na sangkot ang malalaking lider ng bansa, tila basang sisiw si Cudia na hindi na bibigyan pa ng pagkakataon dahil maliit na tao at kaso lang naman ang sa kanya!

In its ruling, the SC said the PMA did not violate Cudia’s right to due process when it enforced its rules on discipline, including the Honor Code,
for lying.

The high tribunal said the case is “subsumed under (PMA’s) academic freedom” because the
establishment of rules governing university-student
relations, particularly those pertaining to student discipline, may be regarded as vital, not merely to the smooth and efficient operation of the institution, but to its very survival.”

The SC found Cudia guilty of “quibbling” which constitutes “lying,” when he explained that he and his previous “class” were “dismissed” a bit late, causing his tardiness for his next class.

5 8 4

“(Cudia) cunningly chose words which led to confusion… There is manipulation of facts and presentation of untruthful explanation constitutive of an Honor Code violation,” added the high court.

Hihintayin natin ang magiging aksyon ni Chief Acosta tungkol sa SC ruling na ito. Bilang isang ina at may prinsipyong abogada, siguradong hindi basta-basta papayag ang PAO chief sa desisyong ito.

As of press time, ito ang naging pahayag ni Atty. Acosta thru text message sa aming tanong kung ano ang susunod na hakbang ng kampo ni Cudia: “(We have) no copy of decision (yet) hence we cannot give fair comment thereto.”

Leave a comment

Leave a Reply