Paolo Contis is happy with LJ Reyes
By: PSR News Bureau
Bagamat hindi pa naman umaamin sina Paolo Contis at LJ Reyes sa kanilang relasyon, malinaw na exclusively dating na silang dalawa. May lalim na ang namamagitan sa kanila. Hindi rin nila alintana kung madalas silang makitang magkasama ng publiko. Kamakailan nga ay magkasama pa silang nag-cheer para sa Gilas Pilipinas habang nanonood sila sa kanilang bahay. Hindi rin maitatanggi na close na si Paolo sa nag-iisang anak ni LJ kay Paolo Avelino na si Aki. Ayon sa aktor, tanggap niya ang anak ni LJ dahil isa na rin naman siyang ama, may dalawang anak rin ang aktor sa dating asawang si Lian Paz. Hindi naman yun ang mahalaga, ang importante ay nagkakaintindihan sila ni LJ.
Sa isang post sa Instagram, may nagbigay ng komento tungkol sa pagkakaroon ng panahon ni Paolo na makipag-date kay LJ ngunit pinalalabas ng nagkomento na ni hindi naman daw ito naglaan ng panahon para madalaw ang dalawang babaeng anak nit okay Lian Paz. Sabin g isang follower: “Sana naman pagsabihan mo si Paolo makipagkita sa 2 anak niya…curious lang me…panay ka post mga biblical verse,,,pero hindi ka concern sa 2 anak ni Paolo..eh nanay ka rin di ba? “I had been following @liankatrina account I had never seen Paolo Contis visiting or making an effort to act as a father to his 2 beautiful kids…pero ang makipagdate sa ‘yo LJ talagang may oras siya! Baka mamaya buntisin ka lang uli at iiwanan gaya nang ginawa niya kay Miss Lian!”
Hindi ito pinalampas ng Kapuso actress. Sagot ni LJ: : “There are always two sides on a story. I don’t usually reply to people who only see the surface, but I think people should also know that they have little knowledge of the things they see on TV or the internet or the news. Let us not jump into conclusions and let us not judge people. God bless you! May He bless you with and open heart and an open mind.”
Samantala, mababanaag sa mukha ni Paolo Contis na talagang masaya ito sa itinatakbo ng relasyon nila ni LJ. Wala mang diretsahang pag-amin mula sa dalawang Kapuso stars na ito, pero sapat na ang aksyon at pagtitinginan nila para mapagtanto na masaya sila sa kanilang relasyon. “LJ makes me happy,” pag-amin ni Paolo sa isang naging panayam sa kanya. Bukod doon ay ayaw ng mag-elaborate pa ng aktor. Sapat na ang mga ngiti nito sa labi upang malaman kung gaano siya kasaya sa kanyang buhay pag-ibig sa piling ni LJ Reyes.