May 23, 2025
Paolo Contis prepares for his villain role in ‘Tupang Ligaw’
Latest Articles

Paolo Contis prepares for his villain role in ‘Tupang Ligaw’

May 6, 2015

by Arsenio “Archie” Liao

Hindi na bago para kay Paolo Contis ang paggawa ng mga indie films. Nakapagbida na siya sa ‘Litsonero’ ng APT Entertainment at napansin din ang kanyang galing sa pag-arte sa 2007 Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na ‘Banal’ kung saan nakasama niya sina Christopher de Leon at Alfred Vargas. Ngayon naman, kakaibang Paolo naman ang mapapanood sa ‘Tupang Ligaw,’ ang bagong handog ng BG Films ng businesswoman-turned movie producer na si Ms. Baby Go with Dennis Evangelista as supervising producer.
Papel ni ‘El Diablo’ ang role ni Paolo rito kung saan maghahasik siya ng kasamaan sa isang bayan na gagawin niyang ala ‘Sodom at Gomorrah.’ Magiging mortal na kaaway niya ang isang pulis na naghahanap ng kanyang nawawalang kapatid na bibigyang-buhay ni Matteo Guidicelli.
This is the first time na gumawa ako ng straight kontrabida. Sinabi ko nga na gusto ko iyong extreme ang character ko. Kaya noong inaalok sa akin, sabi ko, itotodo ko na,” kuwento ni Paolo sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Hindi ka ba nababahala na baka ma-type cast ka sa ganitong klaseng role?
Hindi naman. Kasi, ako naman nakaganap na ng mabait tulad sa mga soaps tulad ng ‘Villa Quintana’ at nakakapag-comedy naman ako sa ‘Bubble Gang.’ Mas maganda kasi iyong iba-iba ang ginagawa mo para mas exciting,” paliwanag niya.
Straight kontrabida ang role mo rito. Hindi ba ikaw iyong tipo ng actor na nagde-demand o nagko-compromise sa iyong director o producer na kahit kontrabida ang role mo dapat may redeeming values iyong papel mo?
Noon kasing mabasa ko iyong iskrip ng ‘Tupang Ligaw,’ nakita ko na hindi na siya kailangan. Siyempre iba naman kasi kapag sa TV, talagang nire-request ko sa mga writer na dapat iyong character ko ay may human side. Kahit naman kasi magpakasama-sama ng isang tao, meron rin siyang soft side at iyon ang reality,’”pahayag niya.

Ayon pa kay Paolo, inihahanda na niya ang kanyang sarili dahil ang triathlon athlete actor na si Matteo Guidicelli ang kanyang makaka-eksena.

Physically active si Matteo so dapat in proper form rin ako kapag ka-eksena ko na siya para puwede akong makipagsabayan sa kanya sa aksyon,” pagtatapos niya.

Maliban kay Matteo Guidecelli, kabituin rin ni Paolo sa ‘Tupang Ligaw’ sina Bangs Garcia, Rico Barrera at marami pang iba under the direction of renowned komiks novelist turned director na si Rod Santiago na hindi malilimutan sa kanyang mga obrang ‘Agua Bendita,’ ‘Bad Boy’ at ‘Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.’

Aside from ‘Tupang Ligaw,’ busy rin si Paolo sa kanyang bagong tomboy serye na ‘The Rich Man’s Daughter’ kung saan ginagampanan niya ang role ng asawa ni Glaiza de Castro na magkakaroon ng affair kay Rhian Ramos.

Leave a comment