
Paolo Paraiso not pro nor anti-Duterte
Bagamat nakalabas na sa mga kontrabida roles si Paolo Paraiso, bagong challenge sa kanya ang papel niya sa “KontrAdiksyon” na nagsimula na ang shoot sa ilalim ng direksyon ni Njel de Mesa, Palanca-award winning writer ng “Respeto”at kasalukuyang board member ng MTRCB.
“Psychopatic villain kasi siya, kaya maganda siyang laruin kaya tinanggap ko agad. Besides, never ko pa siyang nagagawa,” sey ni Paolo.
“Everytime, gumagawa ako ng villain role,parang umaangat siya.Iyong intensity, naiiba,” dugtrong niya.
Hirit pa niya, ito raw ang isa sa mga pinamatinding characters na gagampanan niya.
“Sabi nga ng direktor ko, bagay daw sa akin iyong character. Ako iyong naisip niya kaya ako ang kinuha,” paliwanag niya.
Karamihan sa mga makakasama niya sa pelikula ay sinasabing sumusuporta sa anti-drug campaign ng Pangulong Duterte.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi siya isang diehard Duterte fan.
“Actually, isa sa mga unang tanong ko iyan. Is this a pro-Duterte film? Sabi nila, hindi. We will be talking about the issue and not about the presidency,” deklara niya.
“It’s not about the office. In my opinion, when you make a film, there’s a message to it. There’s probably an issue at hand and then you address it, pero here, wala naman siyang ino-offer na solusyon. Kumbaga, it’s just a statement of facts na nangyayari sa panahon natin ngayon,” pahabol niya.
Nilinaw din niya na hindi propaganda ang nasabing pelikula.
‘First, noong binasa ko iyong iskrip, bale wala sa akin kung pro-yellow or pro-Duterte,or whatever you call it sa political scene. Because, sa totoo lang, relevant siya. When you look around it’s happening. Whatever or which camp you come from. When you spin this way,may tendency na sabihing yellow ka. Kung you spin that way, Duterte ka,” paliwanag niya.
Hindi naman bago si Paolo sa political scene sa bansa dahil apo siya ng dating mayor ng Lumban, Laguna.
Aware rin daw siya sa mga karahasang nagaganap sa bansa kaugnay ng droga.
“Of course, growing, the Paraisos are from Tondo. Ang lolo ko dating mayor ng Lumban na naging vocal sa kanyang campaign laban sa illegal drugs lalo na sa hometown niya na naging very rampant din ang shabu,” aniya.
Ayon sa kanya, importante raw na mapanood ang “KontrAdiksyon” dahil ipinakikita nito kung gaano kaseryoso ang laban sa droga sa bansa at and epekto nito sa pamumuhay ng mga Pinoy.
“Iyong problema ng drugs is a plague. I believe iyong mga addict, victim din sila, so measures must be put in para ma-address ang problema at matulungan sila.”
Kasama sa KontrAdiksyon sina Kris Bernal, Jake Cuenca at Katrina Halili.