
Pari Koy holds its audience share in greater Metro Manila and in the provinces
Nasorpresa kami dahil marami pala ang nanonood ng PariKoy ni Dingdong Dantes. Kahit sabihin pang malaki ring programa ang katapat nito sa Kapamilya Network ay hindi ito iniiwanan ng mga manonood lalo na ang mga bata. Ilang lugar na rin sa Kamaynilaan ang napuntahan namin at maging sa mga probinsiya ay naririnig ko ang tawagan ng mga bata na PariKoy. Alam mo kasi kung ang isang palabas ay tinatangkilik ng mga manonood dahil nagmamarka sa mga tao ang mga karakter na kung hindi man ginagaya ay nagiging bukambibig ito. Sa kaso ng teleserye ni Dingdong
Dantes, napagtagumpayan nila ito.
Speaking of PariKoy, magiging bahagi ng programa sina Carla Abellana at Martin del Rosario. Hindi namin alam kung ano ang magiging karakter ni Carla, pero si Martin ay isang gay na naman daw ang gagampanang papel. Ano ba yan? Gay na naman?. Wala na bang ibang role na puwedeng ibigay sa binata kundi bakla? Hindi ba naisip ni Martin na pinagdududahan na ang kanyang gender sa kakaganap niyang homosexual sa mga palabas? Alam ko magaling mag-handle ang bagong manager ng binata na si Arnold Vegafria pero bakit tanggap lang siya ng tanggap ng mga ganitong role sa kanyang alaga? Hindi ba niya alam o baka nagbubulag-bulagan lang na puwede si Martin na leading man ng mga sikat na Kapuso leading ladies. Isa pa, magaling na aktor ang alaga niya pero hinahayaan na lang niyang makahon sa gay roles. Naku ha, kailangang maagapan yan hangga’t maaga bago pa mahuli ang lahat at tuluyan nang pagdudahan ang kasarian ni Martin.
[divider]
Willie Revillame and Ai Ai Delas Alas tandem in one show will surely be a big hit!
Maganda kung matutuloy ang balitang sasabak daw si Ai-Ai delas Alas bilang co-host sa nalalapit na show ni Willie Revillame sa GMA 7. Kuwelang-kuwela ito pag nagkataon lalo na kung bibigyan ng maraming pagkakataon na magkasama silang dalawa habang nagho- host. Pareho kasing mataas ang sense of humor nina Willie at Ai-Ai kaya siguradong maaaliw at mababaliw ang manonood sa kanila. Magandang simula na naman ito pag nagkataon sa Kapuso Network dahil tiyak na marami ang magiging intresado sa pagsasamang ito ng dalawang malaking pangalan sa lokal na aliwan.
Kaya lang, bakit nasa hapon ang time slot nito tuwing Linggo?Bakit hindi na lang ito itapat sa ASAP tuwing tanghali para magkaalaman kung sino ang papanoorin ng madlang pipol? Nakakasawa na rin kasi ng pare-parehong mukha na lang ang nakikita sa programa ng Dos. Kailangan ng pagbabago para maiba naman. Eh sigurado namang hindi lang entertainment ang hatid ng show ni Willie Boy. Sure na sure na magpapamudmod ito ng datung sa mga manonood at tutulong sa mga nangangarap sa buhay.