May 24, 2025
Pauleen Luna on Vic Sotto: “I can’t wait to be your wife.”
Home Page Slider Latest Articles

Pauleen Luna on Vic Sotto: “I can’t wait to be your wife.”

Jan 25, 2016

by PSR News Bureau

Vic-Sotto-Pauleen-Luna-300x300Naging espesyal ang nakaraang edisyon ng Eat Bulaga noong Sabado, January 23, nang magkaroon ng pre-wedding celebration ang naturang noontime show para sa dalawa nitong hosts na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Ikakasal na kasi ang dalawa sa January 30.

Hindi napigilan nina Vic at Pauleen ang maging emosyonal. Naging madamdamin ang mensahe ni Pauleen sa mapapangasawa nito. Aniya:

“”I just wanna thank you for taking this journey with me. I can’t wait to be your wife. And I love you very much.”

Si Vic naman ay mapapansin na overwhelmed sa sayang naidudulot nito sa kanya. Inamin nga nito na sa dinamidami daw ng gusto niyang sabihin ay bukod tanging “I love you” lang ang namutawi sa kanyang mga labi.

Maging ang Mommy Chat ni Pauleen ay nagbigay rin ng mensahe para sa anak nito via a recorded phone patch. Ayon sa buthing ina ni Pauleen isang blessing galing sa Panginoon pauleen_luna_1_1453547737ang paparating na kasal ng anak kay Vic. “No, the only thing I can say is galing lahat ng blessings na it okay Lord. I prayed so hard…na ilagay ka niya kung saan ka masaya, Pauleen.”

“So what can I say? Best wishes on your journey as a wife to a great man, Vic. My daughter Pauleen, sobrang love ka namin and you know that. And nabuhay ang pamilya natin sa pagmamahal. So, sa next chapter ng buhay ninyo, sana ganun din. Mabuhay ang pagmamahalan ninyo ni Vic at sa magiging anak ninyo.”

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) Congratulations and best wishes Vic and Pauleen!

Leave a comment

Leave a Reply