May 23, 2025
Latest Articles

Pauleen Luna slams ABS-CBN for revealing details of her upcoming wedding

Jan 11, 2016

Nagpahayag ng pagkadismaya si Pauleen Luna sa ABS-CBN matapos umanong ibinulgar ang detalye ng nalalapit nilang kasal ni Bossing Vic Sotto sa publiko. Nais kasi sana ng magiging bride na maging solemn at pribado ang kanilang pag-iisang dibdib ng komedyante na bukod sa kanilang mga pamilya at kapamag-anak ay pawang malalapit na kaibigan lang ang makasaksi. Pero dahil ibinunyag na nga kung kailan at saan magaganap ang kasalan ng ABS-CBN showbiz reporter na si Mario Dumaual sa report nito sa TV Patrol kamakailan lang kung kaya’t mukhang magiging imposible na ang pangarap ni Pauleen na maging ‘pribado’ ang naturang kasal.

Nag-post nga ng kanyang saloobin si Pauleen sa kanyang personal na Facebook account kung saan mahahalata sa kanyang mga salita na sobra ang pagkadismaya nito sa ABS-CBN showbiz reporter.

Sabi nga ng ilang press, takot na takot daw si Pauleen na dumugin ng tao at reporters ang kanilang magiging kasalan ni Vic. Ayon naman mismo kay Mario Dumaual, nakuha niya ang mga detalye ng kasal sa mismong manager ni Pauleen na si Lolit Solis. Aniya pa, wala umanong magagawa si Pauleen dahil parehas silang maituturing na ‘public property’ ni Vic bilang mga artista kung kaya’t sa ayaw at sa gusto nila’y malalaman at malalaman din ng publiko ang mga detalye ng kanilang kasal.

Leave a comment