Pauleen Luna on Vic Sotto’s proposal: “Prayers lang talaga, it works.”
By Rommel Placente
Pauleen Luna on Vic Sotto’s proposal: “Prayers lang talaga, it works.”
Sa guesting ni Pauleen Luna sa “Kapuso Mo Jessica” kagabi, ay nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa naging proposal sa kanya ni Vic Sotto.
Ayon kay Pauleen, “It’s very simple, nothing grand. Just the way we like it. Kasi kami po, very low key kami. We like keeping our relationship simple. One day, lumabas lang, nagulat ako, and then isinuot ko yung singsing, actually! Sabi niya, ‘You like it?’ Sabi niya, ‘Teka, ako dapat magsusuot sa ‘yo niyan.’
Sabi niya, ‘Will you marry me?’ And then that’s it.”
Hindi naman masagot ni Pauleen ang tanong kung paano nagawang mag-propose sa kanya si Vic.
“I really don’t know. I think it’s really God. Prayers talaga. It works. I think ang Panginoong Diyos lang po talaga ang nagbigay sa amin. Kasi we’ve reached that point na we know each other very well, we seldom fight. Minsan na minsan lang because, I think, yung fact na alam na namin kung ano ang makakapagpagalit sa isa’t isa, iniiwasan na lang po namin.”
[divider]
Jak Roberto plays Joma Sison in “Tibak: The Story of the Kabataang Makabayan”
si Jak Roberto ang pangunahing bida sa indie film na “Tibak: The Story of the Kabataang Makabayan”. Gumaganap siya rito bilang si Joma Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines na lumaban noon sa rehimeng Marcos.
Bago napunta kay Jak ang role ay dumaan muna siya sa matinding audition. Dahil nagpakitang gilas sa pag-arte during the audition at may hawig din siya kay Joma, kaya’t siya ang napili ng direktor at producer ng pelikula na si Ms. Arlyn dela Cruz na labis na ikinatuwa ng bagets. Nung ipakita kay Joma ang pictures ng mga nag-audition ay si Jak din ang nagustuhan niyang gumanap sa kanya.
All praises ang buong staff, lalo na si Direk Arlyn kay Jak dahil sa husay na pakikisama nito sa kanila habang ginagawa pa lang nila ang pelikula at sa husay nito sa pagganap bilang si Joma.