May 24, 2025
Pauleen Luna’s unique bridal shower has calligraphy classes for guests
Home Page Slider Latest Articles

Pauleen Luna’s unique bridal shower has calligraphy classes for guests

Jan 12, 2016

by PSR News Bureau

paulin luna

Sadyang kakaiba ang ginawang bridal shower para sa aktres/TV host na si Pauleen Luna na mayroong hashtag na #IvePolengForBossing na halaw sa nickname ni Pauleen na ‘Poleng’ at ni Vic Sotto na kanyang mapapangasawa na kilala bilang si ‘Bossing.’ Nagmistulangisang pribadong calligraphy class ang nasabing ‘bridal shower’ dahil nagsilbing bonding activity ito ng ilan sa malalapit na kaibigan ni Pauleen sa loob at labas ng showbiz. Ilan sa mga naging celebrity guests ng aktres sa kanyang unang bridal shower ay sina Camille Prats, Sherrilyn Reyes, Yayo Aguila, at Ruby Rodriguez.

Bukod sa calligraphy class ay nagkaroon siyempre ng masayang salo-salo. Isang creative na tao si Pauleen at naging hilig rin nito ang magsulat ng usong-uso na calligraphy kung kaya’t ito ang naging tema ng kanyang kauna-unahang bridal shower.

Ayon na rin mismo kay Pauleen: “To all my friends @rodriguezruby @chescaque @camillepras @yayoaguila @uviea @ninaalmoro @harleybarleyyy, thank you for making this day So awesome! You made me so happy!”

“Biggest thanks go to @sherilyntan for fixing EVERYTHING! From the venue to the food, the little things, the give aways and the calligraphy class! I don’t know how to thank you enough! Thank you Lord for giving me awesome friends! I am beyond grateful! #AlmostMrsSotto”

paulin

Leave a comment

Leave a Reply