
Paulo Avelino flexes his versatility in “I’m Drunk, I Love You”
Archie Liao
Pinag-usapan noon ang kanilang kakaibang chemistry sa teleseryeng “Bridges of Love”.
Ngayon, muli na naman silang magtatambal at ito ay sa pelikulang “I’m Drunk, I Love You” , isang offbeat romantic comedy.
“Na-miss ko kasi si Maja. Nakaka-miss kasi kapag naging komportable ka na sa isang tao na nakatrabaho mo na at matagal mo nang hindi nakakatrabaho”, pagbubukas niya.
Parehong Urian award winners sina Paulo at Maja. Si Paulo ay nanalo bilang best actor sa
“Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” ni Alvin Yapan samantalang si Maja naman ay nagwagi bilang best actress para sa pelikulang “Thelma” ni Paul Soriano noong 2012.
“Kami naman ni Maja, we don’t want to be branded as serious actors or pang drama or comedy lang. We want to be versatile as possible. We want to show the audience that we could not just tackle different roles pero kaya rin namin silang pakiligin o kaya naman ay takutin”, sey ni Paulo.
“Mas gusto kong makatrabaho si Maja hindi dahil sa award niya o mahusay siya kundi dahil siya iyong artista na magaan katrabaho at napakasarap na kasama sa set dahil bubbly kasi iyong personality niya”, dugtong niya.
Ayon pa kay Paulo, nakaka-relate siya sa kuwento ng pelikula dahil kinalakihan niya ito.
“As an adolescent noon, na-experience ko rin kasi siya. Ito iyong era na lumalaki ako, iyong mga music na kinalakihan ko. Iyong nag-aaral ako , iyong time na naglo-look forward ka sa sem breaks, sa long weekends, nagbe-beach at nag-e- enjoy in the company of your barkadas, so ang sarap talaga na mag-reminisce”, pagbabalik-tanaw niya.
Aminado rin si Paulo na na-curious siya sa titulo mismo ng pelikulang “I’m Drunk, I Love You”.
“Exciting iyong title kasi kapag medyo intoxicated ka ng alcohol, di ba roon lumalakas ang loob mo? Nagiging honest ka sa feelings mo. Iyong karakter kasi rito, na-in love siya sa best friend niya na kinikimkim niya for seven years”, aniya.
Ayon pa kay Paulo, may konting similarity ang character ni Gio sa kanya.
“Torpe kasi ako. Minsan kailangan ding may konting karga para magpalakas ng loob”, ani Paulo.
Si Paulo ay celebrity endorser din ng isang kilalang brand ng alak.
Naniniwala naman siya na puwedeng mag-work ang relationship ng dalawang tao na nagsimula sa pagiging best friends.
“Based sa personal experiences ko, puwede. Posibleng mangyari”, pakli niya.
Sa kanya namang mga pinagdaanang relasyon, may mga leksyon na siyang natutunan.
“Siguro, try to be more open. Madalas kasi sa akin, I don’t find the right words for it to say. To try to figure out na hindi ka nakaka-offend. Kung paano sasabihin mo nang maayos na hindi ka nakakasakit o hindi ka nakaka-offend”, pagtatapat niya.
Happy din si Paulo sa pagkaka-nominate ng teleseryeng “Bridges of Love” sa 44 th International Emmy Awards sa kategoryang best television series kung saan kasama siya sa cast.
Feeling blessed din siya dahil ang kanyang pelikulang “The Unmarried Wife” sa Star Cinema ay patuloy na tumatabo sa takilya.
Nakatakda ring gawin ni Paulo ang biopic ni General Gregorio del Pilar sa susunod na taon.