
From PBB winner to bankable star
Pinatunayan muli ni Kim Chiu na isa siyang bankable star.
Ang latest movie kasi niya titled “The Ghost Bride” mula sa Star Cinema ay certified blockbuster.
Kumita ito ng 14.3 million sa unang araw pa lang na ipinalabas ito sa mga sinehan noong November 1.
And as of Nov. 5 ay tumabo na ito sa takilya ng P51.5 m.
Kinabog ni Kim ang nakasabay niyang pelikula na “Spirit of The Glass” na ayon sa mga nakausap namin na nakapanood nito, ay isa raw itong flop.
Sobrang happy siyempre si Kim at ang lahat ng bumubuo ng pelikula at ang Star Cinema, sa tagumpay nito sa takilya.
Nung hindi pa man naipapalabas ang “The Ghost Bride,” hinulaan na namin na kikita ito.
Una, dahil nga bankable star si Kim. Marami siyang fans na sinusuportahan ang lahat ng proyektong ginagawa niya.
Pangalawa, basta gawa at mula sa Star Cinema ay talagang maganda ang pelikula.
Pangatlo, ang direktor nito ay si Direk Chito Roño, so paanong hindi magiging blockbuster ang “The Ghost Bride,” di ba?
Napanood namin ang “The Ghost Bride” nang imbitahan kami sa block screening ng United KimXian, Director’s Club, SM Megamall.
Present dun si Kim. Dumating para sumuporta sa block screening ang mommy Mary Anne ni Xian na labis na ikinatuwa ni Kim at ng United Kim Xian. In fairness, ang ganda lalo sa personal ni mommy Mary Anne, huh?
Still showing pa rin ang The Ghost Bride. Panoorin ang pelikula at siguradong gaya namin ay magugustuhan nyo ito.
*********
Speaking of Xian, nominado siya sa Aliw Awards 2017 for Best Major Concert (MALE) para sa performance niya sa concert niyang “Songs in the Key of X,” na ginanap sa The Theater Solaire noong July 15, produced ng isang grupo ng mga tagahanga nila ni Kim, na KATG (KimXi Around the Globe).
Hindi namin napanood ang concert, pero pinanood namin ito sa Youtube. In fairness, mahusay ang performance na ipinakita rito ni Xian, kaya hindi na kami nagtaka na nominado siya sa Aliw Awards. To Xian, goodluck!