
“When people see you’re together, they’d find it easy to deduce that you’re back into each other’s arms even if you’ve just hang out as friends.” – Andi Eigenmann
by Rommel Placente
Sa latest movie ng Viva Films na “Your Place Or Mine” ay magkasama rito ang dating nali-link sa isa’t isa na sina Andi Eigenmann at Bret Jackson. Ayon kay Andi, hindi na siya nailang na makatrabaho si Bret dahil matagal na silang magkakilala.
“Magkakilala na talaga kami dati pa, eh, so hindi mahirap para sa amin na maging sobrang transparent sa isa’t isa kapag magka-eksena. And that’s what I really like about Bret, na even if kilala na niya ako before the shoot and it’s his first movie, he’s very professional talaga. He really did what he had to because he really wanted to work,” sabi ni Andi tungkol kay Bret.
Tungkol naman sa sinasabing nagkaroon sila ng relasyon noon ni Bret, ang tanging nasabi ni Andi ay: “That’s a personal thing na po. Basta friends kami ngayon.”
Nang tanungin muli si Andi kung totoong nagkabalikan na ba sila ni Jake Ejercito kaagad niya itong sinagot ng “Hindi po.”
Ayon pa sa dalaga hindi raw nila sinubukang magkabalikan sa Singapore. Nandoon lang daw siya para dumalo sa isang event.
“Nagkita na rin kami doon. Sumama siya sa akin dahil kilala rin naman niya yung mga friends ko. Naging okey lang po kami, pero hindi naman porke’t nakita ulit kaming magkasama, eh, kami na ulit. Madali nga kasing mag-suspect pag ganyan, makita lang nila na magkasama kayo, akala nila nagbalikan na,” paglilinaw pa niya.
Tungkol naman sa lumabas na picture na magkasama sila ni Jake at ng anak niyang si Ellie, inamin niya ang tungkol dito.
“Opo, kami po yung nasa picture. Pero hindi naman po palagi namin siyang kasama ni Ellie kasi he’s not here naman all the time and he’s not based here and whenever he comes to visit, si Ellie is important pa rin sa kanya na makita. Kasi they’re friends, I mean, they’re close and he cares about her.”