May 23, 2025
Pepe Herrera is flattered being called “Pambansang Sidekick”
Latest Articles

Pepe Herrera is flattered being called “Pambansang Sidekick”

Oct 4, 2016

Nakilala si Pepe Herrera bilang isang magaling na stage actor dahil naging bahagi siya ng cast ng longest running Pinoy musical na “Rak of Aegis” ng PETA.

Lalong bumango ang kanyang pangalan nang manalo siya bilang best actor awards sa “Sakaling Hindi Makarating” ni Ice Idanan na naging kalahok sa ikalawang edisyon ng Cine Filipino film festival noong Marso.

Pero, pinakang nagningning ang kanyang pangalan nang mapasama siya sa toprating Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Dreamscape Entertainment.

Ano ang pakiramdam na ikaw na ngayon ang tinaguriang “Pambansang Sidekick?”

“Flattered ako. Definitely because that’s the reflection of their appreciation sa binibigay kong  effort sa pag-arte,” aniya.

13398955_1538024963173133_1333678560_n

Paano nabago nito ang buhay mo?

“Definitely, it changed for the better. Naging opportunity siya for people to witness what I can do and offer. Na mas malawak at mas marami ang nae-entertain,” pahayag niya.

Blessing din kay Pepe ang makatrabaho ang Idol ng Masa na si Coco Martin.

“Marami akong natutunan sa kanya. Pagdating sa technique at sa theories. Pagdating sa pag-arte sa television , technically speaking,” sey niya.

Proud din si Pepe sa ipinakikitang good values sa nasabing action-packed TV series.

“Bilang Benny Dimaapi, proud ako na maging extended family ng pamilya ni Coco sa series. Tulad nina Macmac at Onyok, mga ampon lang kami pero itinuring nila kaming pamilya. Iyong pamilya pala hindi lang limited sa mga kadugo,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Pepe, dahil ini-enjoy niya ang kanyang role, hindi siya natatakot na ma-typecast bilang sidekick o kasangga ng mga bida sa kanyang mga proyekto.

“Wala akong fear na ma-typecast,” maikli niyang pahayag.

Dagdag pa ni Pepe, kahit busy sa telebisyon, hindi raw niya iiwan ang pag-arte sa teatro.

“Sa teatro ako nagsimula at nagkapangalan, kaya never ko siyang iiwan. Siguro ngayon lang, mas focused ako sa TV kasi may ang Probinsyano ako,” pagtatapos niya.

Masaya ring ibinalita ni Pepe na magkakaroon ng nationwide screening ang pelikulang “Sakaling Hindi Makarating.”

Nakaka-relate rin siya sa kanyang role sa naturang pelikula dahil itinuturing niya ang kanyang sarili bilang isang “hopeless romantic.”

Bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, kasama rin si Pepe sa pelikula nina Coco Martin at Vice Ganda na malamang ay maging kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Leave a comment