
Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento Program highlights – Feb 28, 2015
Ngayong Sabado (Feb 28) sa Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, may bagong tropa sina Chito (Jake Vargas), si Aris (Kiko Estrada). Pero parang hindi magkasundo ang dalawa dahil ubod ito ng yabang at todo kung makaporma kay Nikki (Julie Anne San Jose). Panay pa ang yaya nito sa mansion nila kung saan lagi niyang pinapagalitan ang kasambahay nilang si Manang Flora (Jaclyn Jose). Pero si Chito may nadiskubre tungkol sa totoong pagkatao ni Aris. Laglagan ba ang mangyayari sa bagong magkatropa?
Nasagasaan si Robert (Arthur Solinap) ng kotse ni Pepito (Michael V.) Dahil nakukusensya, ang amo panay ang alaga sa driver nito. Si Tommy (Ronnie Henares) naman, naisipan pang pagkakitaan ang disgrasya. Dinedemonyo si Robert na ihabla si Pepito. Magkakademandahan kaya sina Robert at Pepito?
Mayaman sa katatawanan ang inyong Sabado kung tututok kayo sa Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Network.
Guests:
– Jacklyn Jose
– Glydel Mercado
– Ricardo Cepeda
– Kiko Estrada
– Julie Anne San Jose
– Mikoy Morales
– Jak Roberto