May 22, 2025
Perla Bautista considers lead role a fulfillment
Latest Articles Showbiz Insights

Perla Bautista considers lead role a fulfillment

Aug 6, 2018

Nagpapasalamat ang veteran at award-winning actress na si Perla Bautista dahil sa mga indie filmfests tulad ng Cinemalaya ay nabibigyan ng pagkakataon ang tulad niyang magbida.

Aminado ang aktres na na-miss niya ang pagbibida.

“Sa atin kasi, pabata nang pabata ang bida. Happy naman ako sa support pero iba rin ang fulfillment na at this age, may mga dumarating pang mga lead roles, kaya naman I’m very grateful for this blessing,” sey niya.

received_10216474794492820

Deklara pa niya, nakaka-relate raw siya sa kanyang role bilang Teresa, isang babaeng nasa dapithapon na ng kanyang buhay.

“Tungkol siya sa journey ng isang matandang babae at kung paano niyang pinalaya ang kanyang sarili sa nakaraan at ang positibong mensahe ng pag-ibig at pagpapatawad,” pagbabahagi niya.

Kabituin niya sa “Kung Paano Hihintayin ang Dapithapon” ang beteranong aktor na si Dante Rivero.

Ayon pa kay Perla, ayaw niyang mag-expect na manalo ng award para sa nasabing Cinemalaya movie ni Carlo Encisu Catu ( Ari: My Life with the King).

“Basta ako, ginagawa ko lang ang trabaho. Kung mapansin, salamat. Kung hindi naman, ang pinakang-reward ko na ay iyong naibigay ko nang husto ang dedikasyon ko sa trabaho ko,” esplika niya.

Tungkol naman sa mga kapwa niya beteranang aktres tulad nina Odette Khan at Dexter Doria na mga late bloomers o kung kailan nagkaedad ay saka nakakuha ng best actress awards, sobrang happy si Perla.

“Lahat naman, nangyayari in God’s perfect time. Kailangan lang nating maghintay,” pagwawakas niya.

Matatandaang parehong first time best actress winners sina Odette at Dexter, ang una sa Famas, Urian at Star awards para sa “Barboys” samantalang ang huli ang tinanghal na best actress sa “Paki” sa 2017 Cinemaone Originals.

received_10216474793372792

Si Perla ay isang multi-award winning actress na favorite leading lady nina Erap at FPJ noong ‘60s.

Huli siyang tinanghal na best actress sa 9th Gawad Tanglaw para sa pelikulang “Presa” noong 2011.

Noong 1989, nanalo rin siyang best supporting actress sa Gawad Urian para sa pelikulang “Anak ng Cabron.”

Noong 1980 at 1981, magkasunod na taon siyang nagwagi bilang best supporting actress sa Famas sa mga pelikulang “Ang Alamat ni Julian Makabayan” at “Nang Bumuka ang Sampaguita.”

Leave a comment