
Philippine Stagers Foundation’s second Araneta concert, a roaring success
Dinumog ang ikalawang concert ng PSF o ng Philippine Stagers Foundation na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong December 14. Kahit walang celebrities at international performers, patok pa rin ang nasabing concert.
Unang nag-perform ng first one-of-a-kind concert ang PSF sa Big Dome noong Nobyembre 24 noong nakaraang taon. Dahil sa tinamong tagumpay, inulit nila ito ngayong taon at muli na naman nilang napatunayan na kahit walang malaking pangalan bilang guest performers ay kaya nilang punuin ang Araneta na siya mismo namang nangyari.
Gumawa na naman ng kasaysayan ang Philippine Stagers Foundation sa pamumuno ng founder nitong si Vince Tanada. Well- applauded ang kanilang mga musical numbers na nagtatampok sa mga homegrown talents ng PSF na pang-world class ang kalibre ng talento.
Ayon pa kay Vince, ang Philippine Stagers Foundation ay committed para ipalaganap ang sining at galing ng Pinoy sa pamamagitan ng pagpapalabas ng all original Filipino plays.
Ilan sa mga matagumpay at premyadong dulang naipalabas ng kumpanya ang “Pope-pular,” “Filipinas 1941,” “Ang Bangkay,” “Desaparecidos, A Filipino Musicale,” “Ako si Ninoy,” at “Bonifacio:Isang Zarzuela.”
Ilang beses na ring nanalo at kinalala ang kanilang galing ng Aliw Awards Foundation at nakakuha sila ng komendasyon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa kanilang mga pagtatanghal. Ini-endorso rin ng Department of Education ang kanilang mga dula dahil sa hindi matatawarang ambag nito sa larangan ng sining sa bansa.
Si Vince ay isang magaling na theatre and movie actor na napanood sa kontrobersyal na pelikula ni Elwood Perez na “Esoterika Manila.”
Nagbida na rin siya sa “Otso” na naging kalahok sa kauna-unang Sineng Pambansa All Masters Film Festival ng Film Development Council of the Philippines na pinuri at pinalakpakan din sa iba’t-ibang film festivals abroad.