
Phoebe Villamor, the young Anne Curtis
Biggest gift ngayong taon para kay Phoebe Villamor ang Best Child Performer trophy mula sa MMFF. Karamihan sa mga nagsasabi na sya ang batang bersyon ni Anne Curtis.
Maganda ang features ng bata. May maamong mukha at smile na sadyang nakakaganda ng aura like Anne. Idolo nya ang aktres at sana raw paglaki nya ay maging Anne Curtis din sya.
Hindi nakakapagtaka na sa mga susunod na taon ay magiging ganap na rin syang Anne; bankable, award-winning, at isa sa mga may magagandang mukha sa showbiz.
Kitang kita ang husay na ipinamalas ni Phoebe sa kanyang role bilang Rita sa pelikulang Aurora, direced by Yam Laranas.
Puring-puri sya ng iba’t ibang film reviewers dahil sa kanyang subtle acting. Sa kanyang acceptance speech sa Awards Night ng MMFF, bumuhos ang kanyang luha. Habang very supportive naman ang kanyang mommy Grace.
Kwento ng 11-year old actress, hindi raw nya inexpect ang award. Pumunta sya noong gabing ‘yun na walang kamalay malay na nominado pala sya.
Si Phoebe ay under Viva management. Tuwang tuwa sya noong nakuha nya ang role sa film ni Laranas, produced by Viva and Aliud.
Ang trophy mula sa MMFF ang kanyang kauna-unahang acting award. Malaki ang kanyang pasasalamat sa director, kay Anne, at sa buong Viva at Aliud.
Bukod sa pag arte, hindi alam ng karamihan na nasa puso rin nya ang pagtulong sa kapwa. Sa katunayan, may mga foundation syang tinutulungan. Pagbabahagi nya, half daw ng kanyang talent fee ay itinutulong sa foundation.
Dahil sa ginagawang pagtulong, for sure mas ibe-bless pa ang batang aktres. Wish nya sa 2019 na mas marami pang projects ang dumating sa kanya.
Congratulations, Phoebe Villamor, MMFF’s Best Child Performer!