
Pia Guanio bids ‘24 Oras’ farewell
By PSR News Bureau
Matapos ang mahigit isang dekada, nilisan na ng showbiz news anchor at ‘Eat Bulaga’ mainstay na si Pia Guanio ang kanyang segment na ‘Chika Minute’ sa GMA Network’s flagship news program na ‘24 Oras’. Ayon sa magaling na TV host, kinailangan niyang magpaalam sa programang kanyang minahal upang bigyan ng ibayong pansin ang kanyang oras sa pamilya kabilang na ang pagiging ina sa kanyang nag-iisang anak na si Scarlet at bilang asawa ng kanyang kabiyak na si Steve Mago.
Ayon sa opisyal na statement na inilabas ng GMA Network, naiintindihan nito ang naging desisyon ni Pia at sinusuportahan nila ang news anchor sa pagbibigay ng prayoridad sa kanyang pamilya. Taong 2004 nang sumahimpapawid ang flagship news program na ’24 Oras’ kasabay nito ang naturang showbiz segment na ‘Chika Minute’ ni Pia Guanio kung saan binigyan ni Pia ng sariling tatak ang kanyang pagbabalita ng latest tungkol sa showbiz sa paraang may kalidad at nakatutuwa sa mga manonood. Siguradong mami-miss ng mga manonood si Pia Guanio sa ‘Chika Minute,’ sinuman ang maatasang pumalit sa nasabing segment upang maging news anchor nito definitely has big shoes to fill.