
Pia Wurtzbach shows interest in politics
by PSR News Bureau
Kasabay ng mga courtesy calls at parade ni Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach kahapon, January 25, sinabi rin nitong interesado rin siya sa pulitika. Pinayuhan siya ni Senate President Franklin Drilon na huwag munang pumalaot sa mundo ng pulitika. Nagtungo si Pia sa tanggapan ng Senado upang tanggapin ang parangal na ibinigay ng kapulungan. Malaki man ang potensiyal ni Pia bilang isang pulitiko dahil may alam din ito sa pulitika at mga isyung may kinalaman sa bansa base sa ginawa nitong matalinong pagsagot sa naging question and answer portion sa Miss Universe, ani Drilon, hindi pa ito hinog para sa pulitika.
Pero inamin naman ni Sen. Drilon na humanga rin siya sa ating Miss Universe: “Given her politically conscious responses to the questions, I am not surprised. The questions were very political. The presence of American bases, the presence of American troops, the matter of HIV, the matter of her use on number of political issues.”
Hindi maiwasang maikumpara ang pagpapakita ng interest ni Pia sa pulitika sa ginawa noon ni Cong. Manny Pacquiao. Matapos manalo ang Pambansang Kamao noon sa kanyang laban sa boksing ay nagpahayag rin ito ng interest sa pagpasok sa mundo ng pulitika. Gamit ang tinamong tagumpay at kasikatan, hindi nga malayo na tahakin rin ni Miss Universe Pia ang parehas na landas gaya ng kay Pacquiao.