
“Pinoy Big Brother 737” execs faces MTRCB due to alleged negative feedback
By PSR News Bureau
Ipinatawag ng The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producers ng reality TV show na “Pinoy Big Brother (PBB) 737” matapos makatanggap ang nasabing ahensiya ng gobyerno ng mga reklamo ukol sa mga napapanood na negatibo na hindi daw angkop para sa mga kabataan. Ayon sa naging pahayag ng MTRCB Hearing and Adjucation Committee Co-Chairperson na si Ricardo Salomon, Jr. ay iniimbitahan daw nila sa kanilang tanggapan ang ABS-CBN Business Unit Head na si Raymond Dizon at ang pito pang kasama nito para ssa isang pagpupulong sa July 9 na gaganapin sa opisina ng MTRCB.
Ayon pa sa ipinalabas na sulat ng MTRCB:
“We are writing because of the numerous feedback and complaints we have been receiving in connection with your television program Pinoy Big Brother 737 aired over ABS-CBN Channel 2, as well as over Sky Premium Channel 85.
“In this connection, and further to our developmental mandate to ensure that the best interest of the children are given primary consideration, we would like to invite you to a developmental conference on 09 July 2015, at 2 pm at the MTRCB Building, No. 18, Timog Avenue, Quezon City.
“In the said conference, we would like to know what safety measures you have in place so as to guarantee that no participant in your program is exposed to situations, challenges and experiences which may be prejudicial to his or her well-being, or which may have a negative impact on the youth and other audiences who will be watching your show.”
Ang naturang palabas ay nagsimulang umere noong June 20. Marami ang nagugulat sa bilis ng mga pangyayari sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ magmula ng binuksan ito. May ilang netizens ang nagsasabing mayroong namumuong ‘bromance’ sa pagitan ng housemates na sina Bailey Thomas May, 12 at Kenzo Guttierez, 18 matapos kumalat ang ilang larawan at videos ng dalawang lalaking housemates na naging viral sa social media.
Bagamat ayon sa resident psychologist ng “PBB” na si Dr. Randy Dellosa na ang nasabing ‘closeness’ ay isa lamang maituturing na brotherly love. Nag-iisang anak kasi si Bailey at dahil bata pa’y nakahanap ito ng isang ‘Kuya’ sa pamamagitan ni Kenzo.
Maliban pa dito’y tila naalarma na rin ang mga mismong magulang ni Bailey dahil mukhang may namumuong espesyal na pagtitinginan sa pagitan naman ng 16-year-old na si Barbie Imperial at ni Bailey pa rin. Sabi nga ng ilang mga magulang na nakapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR), mabuti na lang daw at mayroong mga camera at may ‘batas’ na sinusunod ang mga PBB housemates dahil kung wala daw ang mga ito’y baka kung ano na daw ang nagawa ng mga batambatang housemates ni ‘Kuya.’ Ayon sa ilang nakausap naming, baka raw mayroon ng naghalikan o kaya naman ay nagtalik na kung walang mga nakabantay na camera sa PBB house. Nakakagulat nga ang ilan sa mga rebelasyon ng mga batang housemates gaya na lang ni Barbie na sa kanyang murang gulang ay nakaka-limang nobyo na.
Hindi nagiging magandang halimbawa ang ganitong klase ng mga kabataan sa mata ng mga manonood partikular ng mga kapwa nila kabataan. Kung kaya’t marapat lang na makausap ng MTRCB ang pamunuan ng PBB 737.