
Pinoy Big Brother 737 first evictee Barbie Imperial wants to try acting
By Ruben Marasigan
H indi talaga para sa kanya ang chance na mag-stay pa sa loob ng ‘Bahay ni Kuya.’ Ito ang bungad na pahayag ng former PBB 737 housemate na si Barbie Imperial sa kanyang kauna-unahang interview matapos niyang ma-evict noong Biyernes, July 3 laban sa isa pang nominadong si Bailey.
Nang binanggit na ng host na si Toni Gonzaga na si Bailey Thomas May ang ligtas at siya ang na-evict, aminado si Barbie na talaga raw na-disappoint siya. “Kasi ‘yung pagsali ko po sa PBB, para po sa kuya ko at sa pamilya ko,” aniya. “’Yung kuya ko po nagtatrabaho sa ibang bansa, sa isang hotel sa Dubai po. Gusto ko po na umuwi siya para po sa anak niya. Nanganak po kasi ang girlfriend niya. Hindi pa po niya nakikita ‘yung baby.”
Bago siya na-evict, tila na-develop na sila nang husto sa isa’t isa ni Bailey. Totoo ba ‘yung ligawan nila?
“Hindi naman po siya ligawan. Para sa akin po… crush lang po iyon. ’Yung crush po kasi parang may something na parang gusto ninyo ang isa’t isa. Pero ‘yung ligaw po is… parang niligawan ka niya tapos parang sasagutin mo siya kung gusto mo, pero may commitment na po kayo.”
Nang nagpapaalam na siya, ang higpit ng yakap sa kanya ni Bailey. Ano ang sinabi nito sa kanya?
“Kasi po ‘yung sa loob, sinabi ko po sa kanya na ayoko na pong mag-boyfriend. Kasi nalaman ng mama ko na nagka-boyfriend ako so para sa akin ayoko na ulit gawin ‘yun na hindi nila alam.”
Barbie is only 16. Pero lima na agad ang kanyang naging boyfriend.
“Five boyfriends pero hindi po siya ‘yung seryoso talaga.”
One week-one week?
“Opo!” natawang sagot ni Barbie.
May plano siyang mag-artista?
“Kung may chance po. Mag-aartista po ako.”
‘Yung awayan sa pagitan nila ng housemate na si Kamille Filoteo, naayos ba?
“Naayos na po.”
Ano ang pinaka-importanteng leksiyon na kanyang natutunan sa loob ng bahay ni Kuya?
“’Yun po… ‘yung sana mas naging open ako sa kanila. Kahit alam ko po na may something na mali, sana sinabi ko
hanggang maayos para hindi po ako parang napag-usapan. Importante ‘yung may komunikasyon sa magulang at nakikipag-usap,” panghuling nasabi ni Barbie.