
Piolo Pascual feels happy to build bridges with Sharon Cuneta
By: Rommel Placente
Piolo Pascual feels happy to build bridges with Sharon Cuneta
Sa presscon ni Piolo Pascual para sa kanyang “SunPiology Run 2015″ para sa kampanya nitong “Kick Diabetes” ay sinabi ng aktor na pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib matapos sabihin ni Sharon Cuneta sa isang interview niya na nagsisisi ito sa mga nasabi niya noon laban kay kay Piolo nang maghiwalay ito at ang ang anak niyang si KC Concepcion.
“It’s a thorn off my chest. Ayaw naman natin ng kaaway. I’m thankful for that,” sabi ni Piolo. Bukas din daw si Piolo sa posibilidad na makapag-usap sila ni Sharon.
“If there is anything we have to settle with each other, siguro maganda rin makapag-usap kami. Pero, of course, I’m thankful for it.”
Humingi rin ng paumanhin si Piolo kung na-offend man niya si Sharon at ang pamilya nito noon.
“If there is anything I did to offend her and her family, I’m also sorry for it. Siyempre, just like what she said, nanay din, e. She’s entitled to that. That’s why I apologize for it as well. At the end of the day, tao lang naman tayong lahat, nakakasakit tayo, nasasaktan, nagpapatawad, nagmu-move on. ‘Yun lang naman. Para walang problema, i-promote natin yung kagandahan ng puso natin,”aniya pa
[divider]
Kuya Kim Atienza denies leaving “It’s Showtime”May nakarating sa amin na diumano’y binabalak na raw ni Kuya Kim Atienza na umalis sa “It’s Showtime.” Hindi na raw kasi nito ma-take ang segment nila about Ms. Pastillas na sa tingin niya ay parang ‘binubugaw’ daw ito ng kanilang show. Nag-text kami kay Kuya Kim para kunin ang kanyang reaksyon tungkol dito. Ang sagot niya sa amin ay hindi raw ‘yun totoo at saan daw nanggaling ang balitang yun.
Isa pang nakarating sa amin na sinabi rin daw ni kuya Kim na hindi napuno ang Araneta Coliseum nang gawin nila rito ang ika-anim na anibersaryo ng It’s Showtime. Hindi na kami nag-text kay kuya Kim tungkol dito. Alam naman kasi namin na hindi niya ‘yun sasabihin, dahil napuno naman nila ang nasabing venue. At kahit kami ay witness na puno ang Araneta Coliseum dahil nandun kami during their anniversary. Sa tingin namin, may nang-iintriiga lang kay kuya Kim at kino-quote siya kahit wala naman siyang sinasabi laban sa kanilang show.
[divider]
Upcoming actor Renz Michael has an advocacy film about fraternity
Pagkatapos mapanood sa seryeng “ForeverMore” na pinagbidahan nina Enrque Gil at Liza Soberano, heto’t may serye na naman si Renz Michael sa ABS-CBN 2. Kasama siya sa “Doble Kara”, na pinagbibidahan ni Julia Montes. Gumaganap siya rito bilang bandmate ni Edgar Allan Guzman. At magkakaibigan sila rito ni Julia. First time na nakatrabaho ng gwapong aktor sina Julia at EA at mababait daw ang mga ito. Kahit off cam ay barkada niya na rin daw ang dalawa.
May natapos gawing advocacy film si Renz, ang Palo na ipapalabas sa iba’t-ibang schools sa Pilipinas, Istory ito ng fraternity. Ayon kay Renz, nung first year college siya sa FEU ay may nagyaya sa kanya na sumali sa isang fraternity pero hindi siya na-engganyo sa payo na rin daw ng kanyang mga magulang na huwag siyang sumali rito.