
Piolo Pascual goes daring by showing his butt in “Silong”
by PSR News Bureau
Upang maging mas makatotohanan ang isang eksena, hindi na nagdalawang-isip pa ang aktor na si Piolo Pascual sa bago niyang pelikulang “Silong” kung saan nagkaroon ito ng butt exposure. Ayon kay Piolo, naniniwala siya na kailangan niyang gawin yun para mas maging kapanipaniwala ang isang eksena.
Ang tema ng “Silong” ay isang suspense-thriller. Maraming first time kay Piolo na magaganap sa pelikulang ito. Tiyak na magugulat ang kanyang fans ang mga bagong kaganapan na ipinakita niya rito. Maraming eksenang ikaka-shock ng mga manonood. Sa katunayan nga ay nagpasilip pa si PJ ng kanyang puwet at marami rin ang matitinding love scenes nila ng kanyang leading lady na si Rhian Ramos.
Sabi ni Piolo, napapayag siyang gawin ang lahat ng hinihingi sa eksena kahit first time niya ang ilan dahil malaki ang tiwala niya sa kanilang direktor, ang singer na si Jeffrey Hidalgo, ang dating kilalang miyembro ng Smokey Mountain at Roy Sevilla Ho.
“Sa totoo lang, it’s not to necessarily challenge myself to do things I’m not comfortable doing. Pero bilang isang aktor, I guess it’s my responsibility to just take on characters even myself would be surprised. Kahit ako na-surprise ako lalo na sa ending.”
Ayon naman sa direktor ng movie na si Roy, talagang pinababa niya nang pinababa ang suot ni Piolo sa isang eksena sa movie hanggang sa makita na ang kanyang behind, “Actually, inaprubahan naman niya yung eksena nu’ng ipakita namin sa kanya yung nakunan.
Dagdag pa ng direktor na si Roy, “Yung puwet ni Piolo rito, symbolic din siya sa kung ano ang pinagdaraanan ngayon ng Pilipinas. Kaya
tiyak na maraming makaka-relate na viewers.”
Kumusta naman ang pakikipag-trabaho ni Rhian Ramos kay Piolo Pascual?
Ayon sa dalaga, talaga daw inatake siya ng matinding nerbiyos habang ginagawa ang love scenes niya kay Piolo sa harap ng kamera. Pero maayos naman daw lumabas at maagap naman daw at true gentleman si Piolo kaya’t naging kumportable naman siya.
Kahit nga raw ang mommy niya ang na-shock sa mga pinaggagawa niya sa movie. “It was my first ever love scene. And I’m happy naman na si Piolo ang nakasama ko.
Aside from being a veteran sa love scenes, he’s really a gentleman. He guided and helped me sa mga eksenang yun. And what I like about him, wala siyang arte, he’s
very professional,” papuri pa ng Kapuso actress na first time naman tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN para sa Star Cinema presscon ng nasabing pelikula.
Inamin din ni Rhian na talagang kinailangan niyang uminom ng wine para ma-gawa ang mga love scene nila ni PJ, “Ganu’n siya katindi kaya hindi ko kinaya. So I asked for a glass of wine. Ha-hahaha!”
Dagdag pa ng dalaga, “Even before I can move, he was the first one to immediately cover me up. And he’s like, ‘Are you ok?’ the whole time. I’m like, ‘Wow! Thank you. I’m fine.’”
Ganun din naman kung purihin ni Piolo ang kanyang leading lady. “She’s a trooper. Sobrang bait sa set, walang pakialam sa cut-off. Kaya masarap kasi we’re all just having fun, just being open and just enjoying the vibe of the set.Masarap katrabaho si Rhian kasi alam mong you’re on the same page. You want to give it your best.”
Ang kuwento ng “Silong” ay umiikot sa karakter ni Dr. Miguel Cascarro (Piolo) na nangungulila sa pagkamatay ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw, isang babae (Rhian) ang matatagpuan niya sa daan – duguan, takot na takot at punumpuno ng sugat sa katawan. Ano ang kagiging konek nila sa isa’t isa? Paanong babaguhin ng pagtatagpo ng kanilang landas ang kanilang buhay?
Pero ang kailangan n’yong abangan ay ang ending na movie na talagang ikawiwindang daw ng manonood. Ang “Silong” ay ipinrodyus mismo ni Piolo together with Angelo Santos and Darlene Catly Malimas, to be released by Star Cinema.
Makakasama rin dito sina Angel Jacob, Guji Lorenzana, at Raymond Concepcion, tatay ni Sam Concepcion. Showing na ito September 16 sa mga sinehan nationwide.