May 23, 2025
Piolo Pascual is happy with son Iñigo and ex-girlfriend KC Concepcion’s reconciliation
Home Page Slider Latest Articles This is it!

Piolo Pascual is happy with son Iñigo and ex-girlfriend KC Concepcion’s reconciliation

May 8, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

piolo-pascual1 Natutuwa si Piolo Pascual na nagkaayos na ang ex niyang si KC Concepcion at ang anak niyang si Iñigo Pascual. Nagkita ang dalawa sa debut ni Julia nung March at dito ay unang lumapit si Inigo kay KC para makipag-usap.
Matatandaang noong magkarelasyon pa sina Piolo at KC ay nagpahayag si Iñigo na hangga’t maaari ay ayaw niya munang magkaroon ng karelasyon ang ama para mapagtuunan daw siya ng pansin nito.

220px-KC_Concepcion_at_her_US_Concert_Press_Conference,_November_2010“You know naman my son is very polite and okay na naman kami ni Kristina (tawag niya kay KC). Sino ba naman ang ayaw na maayos ang problema?,” ang natutuwang sabi ni Piolo.
Bago pa nagkaayos sina Iñigo at KC ay nauna nang nagkaayos sina KC at Piolo. All’s well that ends well na rin sa pagitan ng dalawa. Dahil nga okay na rin sina KC at Piolo kaya wala na ring tampo sa kanya ang ina ni KC na si Sharon Cuneta. Sa isang interview nga niya ay sinabi niyang excited na siyang makita ulit si Piolo lalo na ngayong balik-ABS-CBN na siya.

[divider]
Mike Tan doesn’t mind playing gay role

9ae3a3d40Dahil bading ang role ni Mike Tan sa bagong serye ng isang netwok kaya naman nabuhay na muli ang tsismis sa kanya na diumano’y bading siya. Pero kung noon ay napipikon daw si Mike sa isyung ito sa kanya, ngayon daw ay hindi na siya naaapektuhan. Mas nasasaktan pa raw siya kapag may nagsasabi na hindi pa rin nag-i-improve ang akting niya.

Leave a comment

Leave a Reply