
Piolo Pascual shine bright at the 13th Gawad Tanglaw as Best Performance by an Actor
by Mary Rose G. Antazo
Maganda ang pasok ng Year of the Sheep para sa Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual dahil isang award ang tinanggap niya mula sa 13th Gawad Tanglaw (Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) bilang Best Performance by an Actor (TV Series category) para sa Hawak Kamay.
The Ultimate Heartthrob said it’s his first time to receive such recognition for TV from Gawad Tanglaw, the first one being for film (Star Cinema’s “Dekada ‘70”) back in 2002.
At kahit na marami ng acting award na natatanggap ang aktor, kitang-kita sa mukha ni Piolo ang kaligayahan nang tawagin ang kanyang pangalan at tanggapin ang parangal. Isang malaking karangalan daw sa kanya ang mapili ng mga respetadong guro. Ka-tie niya sa nasabing kategorya sina Coco Martin para sa Ikaw Lamang at Martin Escudero para sa Positive (TV5).
Matapos niyang umakyat sa stage ay na-korner namin ang guwapong aktor at nahingan ng komento. Congratulations for the award unang bati namin kay Piolo.
“Thank you, eto nakakakaba, I’m so happy, I guess, I started the year right, just like what I’ve said sa stage kanina, bilang estudyante ang sarap ng pakiramdam kapag napapasaya mo ang mga teachers. So for me, it’s a job well done,” sambit ni Piolo sa award night na ginanap sa University of Perpetual Help, Las Piñas.
Iba ba ang pakiramdam kapag mga teachers at estudyante ang nagbibigay sa iyo ng parangal?
“Iba siyempre kasi parang kritiko ang mga ‘yan, iba ang respeto ko, its chosen by free will, kumbaga hindi mo kailangang pakiusapan o mag-request para manalo kusa nilang ibinibigay, kaya nakaka-overwhelm kasi talagang alam mong hindi hiningi,” pahayag ni Piolo na masayang-masaya para sa recognition na natamo.
Malaki ba ang responsibilidad kapag mga guro at estudyante ang nagbigay sa iyo ng award?
“Sobrang laki ng responsibilidad kasi isang respeto ang iginagawad sa iyo so kailangang ibalik mo rin ang respeto. Kaya pagdating sa trabaho, I will be more picky and at the same time it’s our responsibility to choose something that will inspire them, that will make them learn from your craft and not waste their time watching you,” paliwanag pa ng aktor.
Samantala, hiningan din namin ng reaksyon si Piolo hinggil sa gagawing movie nila ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo.
“Yes confirmed ang movie namin ni Sarah. I hope hindi naman siya matakot sa ’kin kasi hindi naman ako nangangagat, ’wag lang akong po-po-in! Alam mo naman si Sarah, napaka-magalang na bata, pero hindi naman ako teacher ’di ba ,” biro pa ni Piolo.
Magkakaroon ba sila ng kissing scene ni Sarah sa movie?
“Si Sarah na lang tanungin niyo [dahil] ako, okay lang naman sa magulang ko,” birong sagot pa ng aktor.
Nang matanong kung hindi ba siya nagsasawa sa paggawa ng mga romantic-comedy films?
“’Yun ang formula sa ’tin, ’yun ang hinahanap ng tao eh.
“Star Cinema gambles, Star Cinema risks, and I’m just an actor, I’m just a team player so I’ll do whatever is asked of me.”
Piolo is also set to shoot a teleserye, hold a US concert tour on Holy Week, and likely a concert in the Philippines before the year ends.
Tungkol naman sa career ng kanyang anak na si Iñigo Pascual, masaya si Piolo sa takbo ng showbiz career ng bata.
“I told him it can always wait, but what can you say, dumating ’yung offers, there are opportunities coming his way.”
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9