
Piolo Pascual talks about leading lady Sarah Geronimo
Sa July 1 na ang showing ng pelikulang “The Breakup Playlist” kung saan bida sina Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Pero bago ito, magkakaroon ito ng premiere night sa SM Mega Mall. Meron ding mga naka-scheduile na international screening ang nasabing movie. Sa US at sa Canada on July 10, at sa Hongkong on July 12.
First time lang na makasama ni Piolo si Sarah sa isang proyekto. Sabi ng aktor, masaya daw ito na makatrabaho ang singer-actress.
“It was fun. It was my first time to work with her. And hindi ko kasi siya kilala as an actress. Nakikita ko lang siya at nakakasama sa ‘ASAP.’ Nakikita ko kung paano siya [Sarah] mag-transform kapag nasa stage na. This (doing a movie with Sarah) is a different deal.”
“Dito nakita ko talaga, we have to go through the journey of the love story. It’s about a break up,” pagtukoy niya sa istorya ng pelikula. “But more than that, it’s really a story of love. You know, how they get together and then they break up. Ang dilemma nila is what do they follow. Is it their ambition or is it their love for each other.”
Member ng band ang role ni Piolo. Pareho sila ng character ni Sarah na may pangarap sumikat at magtagumpay sa larangan ng musika. “I’m a mentor. And then she (Sarah) comes to the music camp. And then I eye her, then I start courting her. Then we got together. And doon nagsimula ‘yung conflict when I realized na parang ‘yung girlfriend ko, yun na ang competition ko.”
“Yung parang gusto kong maging successful kaso ‘yung naging kalaban ko, ‘yung mismong girlfriend ko. Siya yung parang tumulong sa akin, iyon pa ang nagpa-realize sa akin ng reality.”
“Yung tipong mas magaling pa siya sa akin. Na parang I thought she was gonna save me, akala ko siya ang magiging kapartner ko, siya pa ang nagpa-realized ng mga flaws ko. Ipinaramdam niya sa akin ‘yung ganun. But not intentional.”
“It’s an interesting story specially since this is written by Antoinette Jadaone, who’s known to be the ‘Hugot Queen.’ And of course, the boyfriend (of Antoinette), our director, Dan Villegas. So we had a beautiful team up.”
Sa story, ano ba ang pipiliin ni Sarah… ang career o ang pag-ibig nito sa character ni Piolo?
“She doesn’t have to choose between her career or me. Because ang babae, pipiliin naman niyan ay ‘yung lovelife, naturally. I’m talking about in general ha. Ang lalaki kasi mas pipiliin niya ay yung career, siyempre kailangan mong itaguyod ang pamilya mo.”