
“To play a major role in a teleserye is an answered prayer.” – Marlo Mortel on his lead role on ABS-CBN’s “Oh My G”
Hindi daw maipaliwanag ni Marlo Mortel ang labis niyang kasiyahan sa pagkakaroon niya ng kauna-unahang pagbibidahang teleserye sa telebisyon, ang “Oh My G” with Janella Salvador na magsisimulang umere sa Enero 19 , 11:45 am sa ABS-CBN.
Tsika nga ni Marlo ng mapanayan ng Philippine Showbiz Republic sa mismong presscon ng “Oh My G” na ginanap kamakailan sa 14th Floor ng ELJ Bldg na, “Dream come true ang pagkakaroon ko ng show na isa ako sa bida.
“Ilang taon ko ring hinintay yung araw na ito, sa wakas pinakinggan na rin ng Diyos yung matagal ko nang dinadasal.
Grabeng excitement daw ang nararamdaman ni Marlo at ng ka-love team nito na si Janella habang papalapit ang pagpapalabas ng soap nila, “Sobrang excited kami ni Janella kasi this is our first teleserye na kami na yung bida.
“So, excited na kaming patunayan kung ano ba yung meron kami and be a role model to all the people who are gonna watch our show.
“So, thank you, thank you sa pamunuan ng ABS-CBN na kami yung pinili nilang mag bida.
“This show is gonna show to people that God is always here for you, na laging nandyan lang si God kapag kailangan mo siya.
“Kasi sa mga panahon ngayon ng mga teenagers, medyo nawawala na sa priorities nila si God.
“And dito, ipapakita namin na dapat number one priority pa rin natin si God dahil si God, hindi ka Niya kailanman iiwan.
“And I would say na isa ako sa mga kabataan na siya yung priority more than anything else.
“Alam ko naman kasi na kung anong meron ako ngayon at kung nasaan ako ngayon ay dahil sa Kanya lahat galing yun.
“Kaya nga nagpapasalamat ako sa kanya for giving me so many good projects and good people around me.
“That’s why everytime na may trabaho ako, I always give my best para na rin pasasalamat sa pagtitiwala sa talento at kakayahan ko sa mga project na ibinibigay sa akin.” pagtatapos ni Marlo.
Follow me…