May 22, 2025
‘Playhouse’ actor grieves over the loss of his biggest fan
Latest Articles

‘Playhouse’ actor grieves over the loss of his biggest fan

Sep 14, 2018

Nagluluksa pa rin hanggang ngayon ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo kaugnay ng pagkamatay ng kanyang inang si Rosanna noong Pebrero.

Nararamdaman pa rin daw niya ang sakit dala ng pagkadala ng isang mahal sa buhay, subalit kailangan niyang mag-move on.

“Noong simula, siyempre, biglaan. Sa trabaho ko. Alam ko naman na nasa ospital,tapos biglaan din naman. Mahirap eh,” aniya.

“Noong mga unang araw ng linggo, hindi ko masyadong iniintindi iyong nararamdaman ko. Alam mong nailibing na, na nag-settle na, doon ko talaga siya nadama. Siguro nag-mature na rin na alam kong nasa utak ko na rin na wala namang permanente sa mundo at lahat naman tayo pupunta roon. Mas ganoon na lang ang inisip ko,” dugtong niya.

Aminado rin siyang nami-miss niya ang kanyang mom sa pagkawala nito.

“Everyday na gigising ako sa umaga, nandiyan na siya at handa na ang almusal ko. So, iyong mga ganoong mga bagay, nami-miss ko,” paliwanag niya.

Biggest fan din daw niya ang kanyang nanay noong nabubuhay pa ito.

“Noong nanalo ako sa PBB. Sobrang happy at proud siya sa akin. Kapag may premiere nights iyong pelikula, hindi siya nawawala para sumuporta,” tsika niya

Sa pagkamatay ng ina, mas naging close raw silang magkakapatid.

“Mas naging close kami. Mas nagkapitan kami . Kumbaga, tatlo na lang kaming magkakapatid na nandito sa Maynila. Mas naging understanding kami sa isa’t-isa. Wala, eh. Mas naging pasensiyoso kami sa isa’t isa. Kumbaga, sabi ko, hindi tayo puwedeng mag-away-away at magkatampuhan,” pagwawakas niya.

Balik-teleserye si Zanjoe sa Playhouse na mapapanood na sa Kapamilya network simula sa Setyembre 17 bago mag-It’s Showtime.

Papel ni Marlon, isang lalakeng napilitang makipaglaro ng bahay-bahayan kay Patty, (Angelica Panganiban), ang kanyang ex alang-alang sa batang inihabilin sa kanila para alagaan.

received_526588611127136

Katambal niya rito si Angelica Panganiban.
Kasama rin sa cast sina Justin James Quilantang, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Maxene Magalona, Carlo Aquino, Kean Cipriano, Ariella Arida, Dominic Roque, Ingrid dela Paz, AC Bonifacio, Jomari Angeles, Smokey Manaloto, Nadia Montenegro, Malou de Guzman, Dexter Doria at marami pang iba.

Ito ay idinidirehe nina Jeffrey Jeturian at Paco Sta. Maria sa produksyon ng GMO unit.

Leave a comment