May 25, 2025
“Playing a villain is a challenge to show my acting prowess.” – Krystal Reyes
Latest Articles T.V.

“Playing a villain is a challenge to show my acting prowess.” – Krystal Reyes

Apr 30, 2015

by Ruben Marasigan

Inaasahan na ng Kapuso young actress na si Krystal Reyes na marami ang maninibago kapag napanood siya sa pinakabagong afternoon series ng GMA 7 na ‘Healing Hearts.’ Sa unang pagkakataon kasi ay gagampanan niya ang isang character na ubod ng sama. Sa istorya ay siya ang manggugulo at magiging kontrabida sa pagmamahalan ng balik-tambalang sina

Kung sa mga dating nilabasan niyang soap ay siya ang inaapi-api, ngayon naman ay siya ang mananakit at magpapahirap nang husto kay Joyce.

“Buti na lang at magkaibigan na kami dati pa ni Joyce kaya hindi na ako nailang sa mga scenes na kailangan ko siyang awayin at saktan,” ani Krystal nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

“Sobrang layo po talaga ng character na ipinu-portray ko sa totoong pagkatao ko. Dahil hindi naman po ako maldita in real life na nanampal o nang-aaway ng tao. Kaya talagang nahirapan po ako noong una. Nagulat ako na… ‘oh my God, kaya ko ba ‘to?’ Inisip ko talaga, kaya ko bang mag-kontrabida? Kaya ko bang panindigan ito? E ang dami pong nagsasabi na ang bait ng mukha ko. Ang amo daw po ng mukha ko. Wow!,” natawa ang young actress.

“Yun nga po, nahirapan ako. Pero naging madali naman po na mag-adjust kasi hindi ko na kinailangang i-close si Joyce, hindi na kami naging awkward kasi nga po magkaibigan na kami. So ‘yung kay Joyce po, hindi na ako nahirapan na sampalin siya. Kahit talagang nasasaktan siya, okay lang sa kanya.”

Nagbibida na siya dati. Sa palagay niya ay tamang career move na pumayag siyang maging kontrabida?

“Okay lang naman po sa akin. Kasi siyempre hindi naman po nila ako ilalagay sa isang bagay kung sa tingin nila ay hindi ko po kaya o kung hindi naman po bagay sa akin. May trust naman po ako sa network na kung ano ‘yung ibinigay nila sa akin, kaya ko po.”

“Thankful po ako sa ganitong bagong opportunity na i-try ang pagiging kontrabida. Panibagong challenge po ito para sa acting skill ko,” panghuling nasabi ni Krystal.

Leave a comment