
PMPC’s New Movie Actor of the Year Joshua Garcia eyes for another acting award, praises LYSB’s director
Si Joshua Garcia ang tinanghal na New Movie Actor of the Year sa katatapos lang na PMPC 33rd Star Awards For Movies na ginanap, Linggo sa Resorts World, Manila.
Nakita ang mahusay niyang pagganap sa unang pelikula niya with Julia Baretto and Ronnie Alonte titled Vince and Kath and James mula sa Star Cinema.
Nung nakausap namin si Joshua sa block screening ng latest movie niya titled Love You to the Stars and Back (LYSB), sponsored ng BNY na isa siya sa endorsers nito, tinanong namin siya kung tinawagan ba niya agad si Julia para ibalita ang pagkapanalo niya.
”Nabalitaan niya lang sa social media tapos siya na mismo ‘yung nag-text. Tapos nakita ko na lang na nag-post na rin siya, ayun,” kwento ni Joshua.
Pagkagaling sa Resorts World ay nagkaroon daw ng konting salo-salo sa bahay nila Joshua bilang selebrasyon sa pagkapanalo niya at dumating daw dun si Julia.
Inamin ni Joshua sa presscon ng Love You to the Stars and Back na nililigawan niya na si Julia.
At pitong buwan na raw siyang nanliligaw sa dalaga.
Hindi pa siya sinasagot ni Julia bilang premyo sa pagkapanalo niya ng award?
“Hindi pa, e. Isang ‘O’ pa lang ‘yung natatanggap ko, e. Wala pa, hinihintay ko pa yung isa!” biro niya sabay tawa nang malakas.
So, tuluy-tuloy lang ang panliligaw niya?
“Oo, handa naman akong maghintay,” sagot ni Joshua.
Hindi ba sila nakukulitan ni Julia sa pagtatanong sa kanila ng reporters, talk shows, at maging ng fans tungkol sa relationship nila?
“Actually, ‘yung sa akin, hindi ko naman sila masisisi magtanong, kasi iba rin naman yung ipinapakita naming dalawa, e.
“Hindi naman siya yung normal na sabihin nating friend lang, ganun.
“Hindi naman ako nakukulitan. Siguro may tamang timing lang ng pagtatanong.
“Kasi sa ngayon, ang gusto kong mapag-usapan ‘yung pelikula, e. Gusto kong ma-showcase talaga yung pelikula kasi grabe yung ginawa ni Direk Tonette sa pelikula. Ito yung masasabi mong ang ganda talaga.”
Sa “Love You to the Stars and Back” ay hindi na naman matatawaran ang akting na ipinakita ni Joshua.
Ang husay-husay niya sa halos lahat ng eksena niya sa pelikula bilang si Caloy na may malalang sakit na leukemia.
Sa mga nakapanood ng nasabing pelikula, iisa lang ang sinasabi nila, siguradong this time ay Best Actor trophy naman daw ang maiuuwi ni Joshua.
At ang reaksyon ni Joshua tungkol dito: