
Pnoy’s guesting on GGV, well-admired; “madlang people”, within reach
by Mary Rose G. Antazo
It’s not the typical serious President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III as special guest ang napanood ng madlang pipol sa New Year’s episode ng GGV (Gandang Gabi Vice) ni Vice Ganda last January 4, 2015, Sunday. It’s actually the lighter side of PNoy ang ipinakita kung saan nakipagtsikahan ito with Vice na ang topic ay anything under the sun. Walang seryosong usapan kaya for a while ay napangiti ang Presidente at pahinga muna sa seryosong usapin ng bansa. Marami ang naaliw sa episode na ito dahil mas higit na nakilala ang Pangulo bilang isa ring simpleng tao kahit pa nga siya ang pinakamataas na tao ng ating bansa.
Obviously, ingat na ingat si Vice sa pagtatanong kay PNoy pero lahat ng binitiwang tanong at kuwento nito ay talaga namang ikinasaya ng Pangulo at ng televiewers.
Ilan sa naging ‘revelation’ sa episode that night ay ang tungkol sa lovelife ng Presidente kung saan ay inamin nito na ang huli niyang nakarelasyon ay several months ago pero hindi ito nagbanggit ng pangalan kaya loveless at single ang status nga raw nito ngayon sabi pa ni Vice.
Matatandaang ilan sa mga naging girlfriends ni PNoy ay ang mga TV personalities na sina Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Liz Uy, Shalani Soledad at Grace Lee.
Nabanggit din ni Vice sa interview na ‘yon na “Minsan nakaka-inspire rin po o nakakagana magtrabaho lalo nang mahusay ‘pag may girlfriend.
“Dati po, sabi niyo, 24 [years old], kailangan po may asawa na kayo, ‘tapos nabago po, naging 42. Ngayon po, ano na po ang target niyo?”
Sagot ng Pangulong Aquino, “Twenty-four ‘tapos 30.
“E, ilang taon na lang, papunta na ako sa 2 times 30, kaya ayoko nang nagta-target, e.
“Siyempre gusto ko naman ‘yung attainable goal,” pahayag ni PNoy.
Wish pa nito na kung sakaling makapag-asawa siya ay hiling niya ay mas younger nga sa kanya.
“E, yung mas bata naman sana kung pupuwede para mayroon pang pag-asang magkaanak,” sagot pa nito kay Vice.
Pangungulit pa ng host na si Vice ay ang tanong na kung may nililigawan nga ito ngayon?
Sagot ni PNoy, “Importante dun, may itinatago tayong konti, itatago ko muna sa sarili ko yun.”
Sey naman ni Vice, “Nagkaroon nga po kayo ng relasyon, ‘tapos sabi niyo, kakatapos lang, ‘tapos ‘di namin nalaman, ang galing niyo ho magtago.
“Pero may dalawa pong na-link sa inyo na hindi naitago sa amin. Na-link po sa inyo yung mga pangalang Bernadette Sembrano, Korina Sanchez—mahilig po kayo sa babaeng nasa media, ganun?”
Sagot ni PNoy, “Nagkakataon lang siguro.”
Hiningan din ni Vice ng sampol na favorite song na nagdi-describe sa kanyang buhay ngayon bilang Presidente.
Pinili ni Pnoy ang kantang ‘Estudyante Blues’ at kinanta ang linyang “ Ako ang nakikita, Ako ang nasisisi, Ako ang laging may kasalanan.”
Sinabayan naman ito ni Vice ng kanta, “Paggising sa umaga, Sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskwela, Kapag nangangatwiran, Ako’y pagagalitan
‘Di ko alam ang gagawin”Pagkatapos nito ay nagkaroon naman ng segment na Fast Talk, kung saan may ipinakita si Vice ang mga pictures na may kinalaman sa kanyang buhay at trabaho ngayon.
Sagot ni PNoy…
DILG Secretary Mar Roxas — “Masipag at thorough.”
BIR Commissioner Kim Henares — “Maraming natatakot.”
DSWD Secretary Dinky Soliman — “Maaasahan. Kung may parating na sakuna, nandun siya.”
Rep. Leny Robredo — “Parang nakikita mo yung kay Jesse, tuloy yung ginagawa ni Jesse.”
PNP Chief Alan Purisima — “Dalawa actually… hindi yung ‘pag may imahe tayong negatibo sa kapulisan, hindi yun ang nakilala sa pagkatao nitong si Alan.
“Number two, ang dami niyang hinuhuli… na wala sa sinasabi ko.
“Marami siyang kabarong humaharap ng sakuna at nakulong dahil mali ang ginawa.”
DOJ Secretary Leila de Lima — “Sa hitsura pa lang, seryoso.”
Senator Miriam Defensor-Santiago — “Combative.”
Vice President Jejomar Binay — “Siya kasama ko nung EDSA Revolution e.”
Liz Uy — “Successful.”
Sundot na tanong ni Vice: “Kayo po ba, successful po ba kayo sa kanya?”
Sagot ni PNoy: “Sa pagkakaibigan, oo!”
Grace Lee — “Successful rin yata.”
Vice: “Naging girlfriend niyo po ba siya?”
PNoy: “Oo.”
Samantala, dahil nag-trend ang guesting ni PNoy sa GGV ay nagbigay ng pahayag Presidential spokesperson na si Edwin Lacierda.
“It trended number one and we saw from the comments that most of the comments were positive. It showed the lighter side of the President.”
“Vice Ganda brought [out] the lighter side of the President and it was positive and I think people came to empathize with the President on the daily routine, on the burdens of government. I certainly hope that it showed the President, after all, is not always serious.”
Lacierda also dismissed criticisms against Aquino’s comments about suspended Philippine National Police chief Alan Purisima whom the President described as an old friend. “Let’s have the process proceed its natural course,” Lacierda said.