May 24, 2025
Therese Malvar happy to back in Cine Filipino
Latest Articles

Therese Malvar happy to back in Cine Filipino

Mar 16, 2016

Archie liao

by Archie Liao

teri malvar in sakaliProud ang magaling at premyadong teen actress na si Therese Malvar na isa siyang Cine Filipino baby.
Una kasing napansin ang galing niya sa pag-arte sa pelikulang “Ang Huling Chacha ni Anita” kung saan ginampanan niya ang papel ng isang batang lesbiyana na naakit sa isang magandang babaeng binigyang buhay ni Angel Aquino.

Ang naturang pelikula ay idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo at isang Cine Filipino entry noong unang edisyon nito noong 2013.
Bukod pa riyan, ang Superstar na si Nora Aunor lang naman ang tinalo niya sa best actress race noong 1st Cine Filipino Film Festival na naging nominado rin sa best actress category para sa pelikulang “Ang Kwento ni Mabuti” ni Mes de Guzman.
Pagkatapos ng kanyang unang pelikula, nakilala siya sa mga pelikulang “Tumbang Preso”, “Bitukang Manok” at sa Cinemaone Originals movie na “Hamog” kung saan muli na naman niyang tinalo ang mga senior stars na nominado sa best actress category ng nasabing film festival noong nakaraang taon.

Ngayon, nagbabalik siya sa ikalawang edisyon ng Cine Filipino sa pelikulang “Sakaling Hindi Makarating” ni Ice Idanan.
“Nakaka-proud po na nagsimula po ako sa Cine Filipino pero kapag may projects po sila sa akin, hindi nila ako nakakalimutan”, aniya.
Happy si Therese dahil isa siyang Cine Filipino baby at tinatanaw niyang malaking utang na loob ito na nagbukas sa kanya ng pinto ng oportunidad para makapasok ang showbusiness.

Kung dati ay isang tomboy, biktima ng human trafficking at batang ‘hamog’ ang kanyang role, ngayon naman ay isang misteryosang batang babae ang role niya sa full-length directorial debut ni Ice Idanan. Pivotal ang kanyang role dahil importante ito sa paghahanap ng character ni Alessandra (de Rossi) sa kanyang anonymous letter sender.
“I play the role of Sol po. I was one of the girls who met Cielo (Alex de Rossi) sa paghahanap niya sa kanyang anonymous letter sender”, aniya.
Ano ang mensahe ng pelikula?

“Sometimes, mare-realize po natin na importante na hindi natin laging ipinu-pursue ang mga bagay-bagay. May mga bagay din po tayong ini-let go para makapag-move on”, aniya.

Ayon pa kay Therese, kahit kasama siya sa tinaguriang millennial generation na aktibo sa social media, na-a-appreciate par in niya ang paggawa at pagbabasa ng mga sulat.

“Minsan po kasi kapag nagsusulat tayo at nakikipag-communicate, mas sincere po ang feeling pag nagsusulat tayo o nagbabasa ng sulat ”, pagwawakas niya.

sakaling hindi makarating posterIsang road movie ang “Sakaling Hindi Makarating” at tungkol sa pagmo-move on.
Enjoy ang batang aktres dahil nakarating siya sa iba’t-ibang lugar na hindi pa niya napupuntahan noong isinu-shoot nila ang pelikula.
Maganda ang vibes sa kanya ng Batanes at kung bibigyan siya muli ng pagkakataon, gusto niyang bumalik dito dahil perfect place daw ito para sa pagbabakasyon at marahil sa mga taong naghahanap ng lugar na tahimik para sa soul searching.

All praises naman siya sa co-star niyang si Alessandra de Rossi na kamakailan lang ay nanalo ng best actress sa Singkuwento International Film Festival at best supporting actress sa 2016 PMPC Star awards.

Bukod kay Alessandra, kasama rin ni Therese sa pelikulang “Sakaling Hindi Makarating” sina Pepe Herrera, JC Santos, Hiraya Plata, Jay Gonzaga, Lesley Lina, Karen Romualdez at iba pa.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply