
Pokwang enjoys her first Cinemalaya experience

Overwhelmed ang Kapamilya comedienne at TV host na si Pokwang sa magandang feedback ng kanyang pelikulang “Mercury Is Mine” ni Jason Paul Laxamana nang dumalo siya sa gala screening nito sa CCP kamakailan.
First Cinemalaya movie mo ba ito?
“Yes. First Cinemalaya movie ko”, panimula ni Pokwang.
Ngayong nabinyagan ka na sa Cinemalaya. Kumusta ang experience?
“Nakaka-proud. Overwhelmed ako dahil tanggap ng mga tao iyong mga kilos at galaw. Nagustuhan nila iyong istorya at nakaka-inspire iyong napakainit na pagtanggap nila na para sa akin ay ‘pak’ na ‘pak”, sey ni Pokwang.
Isang carinderia owner ka rito na nagluluto ng mga Kapampangan foods. Nag-research ka ba tungkol sa Kapampangan culture?
“Hindi na. Nakinig na lang ako nang bonggang-bongga sa direktor naming si Jason Paul. Siya naman itong Kapampangan at alam niya kung paano ako i-guide sa mga eksena ko at alam ko namang naidaos namin siya nang maayos”, pagkukuwento ni Pokwang.
Magkasama kayo ng boyfriend mong si Lee O’brien sa pelikula. Sinadya ba ito o package deal ito bago mo tinanggap ang pelikula?
“Hindi naman. Nagkataon lang kasi na iyong karakter niya ay sakto lang sa hinahanap”, paliwanag niya. “Second movie namin ito together after “Edsa Woolworth” pero hindi kami magka-eksena. Si Bret (Jackson) ang kanyang ka-eksena. He plays the abusive father of Bret”, pahabol niya.
Identified ka sa comedy, sa palagay mo ba seseryosohin ka na bilang dramatic actress dito after “Mercury is Mine”?
“Nag-drama na rin naman ako sa “Edsa Woolworth at sa ibang shows ko sa ABS. Dito naman, hindi siya pulos drama dahil marami akong ginawang pagpapakuwela”, deklara niya.
Ayon pa kay Pokwang, hindi niya malilimutan ang una niyang Cinemalaya experience.
“Natutuwa rin ako dahil sa Cinemalaya, hindi ka nakakahon. Nagkakaroon ka ng pagkakataon na gawin iyong mga bagay na hindi mo nagagawa sa TV at sa iba pang pelikulang ginagawa mo, kaya masarap na experience ito sa akin…. at kapag pala ganitong Cinemalaya, buhay na buhay ang pelikulang Pilipino”, pahabol niya.
Paano mo ini-handle iyong mga eksena ninyo ni Bret tulad noong sexual harassment mo sa kanya at iyong mga daring scenes ninyo together?
“Siguro dahil alam mong maganda iyong proyekto at excited kang gawin, lumalabas na lang iyong natural mo. Kumbaga ‘go’ lang ako. Tulad nga ng sabi ni Carmen na karakter ko “I fucking loved it”, pahayag niyang may halong pabiro.
Bilang best actress contender, ano ang expectations mo considering na makakatunggali mo sina Nora Aunor at Judy Ann Santos come awards night?
“Pinagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Kung sinuman ang mananalo, alam nating deserving siya”, pagwawakas ni Pokwang.
Ang “Mercury Is Mine” ay tungkol sa kuwento ng isang naluluging carinderia owner na nabago ang buhay nang makilala niya ang isang battered American teenager na kanyang kinupkop sa kanyang tahanan.
Bukod kay Bret Jackson, kabituin ni Pokwang sa “Mercury is Mine” sina Vincent de Jesus, Lee O’brien, Maey Bautista, Bea Vega, Mitzi Ong, Leo Sarmiento, Justine Dizon, Waka Hasegawa, Uzziel Delamide, Krisof Garcia at marami pang iba.
Ito ay sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Jason Paul Laxamana na kilala sa kanyang mga obrang “Magkakabaung”, “Babagwa”, “Ang Taba Ko Kasi”, “Love is Blind” at ng soon to be released Star Cinema movie na “The Third Party”.