
Why politician-actor Daniel Fernando did not accept Kapamilya’s new serye
Hindi tinanggap ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando ang role niya dapat sa nalalapit na teleserye ng ABS-CBN na The General’s Daughter na pagbibidahan ni Angel Locsin kasama ang mga bigating artista na sina Maricel Soriano, Eula Valdes at Janice de Belen.
Conflict of schedule ang dahilan kaya kahit gusto ng actor-politician ay hindi puwede.
Naghihinayang siya dahil napakaganda ng role niya bilang isa sa mga main kontrabida ng paparating na teleserye.
“Ang daming offer ngayon mula nang manalo ako ng award sa Star Awards. Makakasama sana ako sa General’s Daughter kaya lang hindi talaga kaya. Minsan kasi sa trabaho ko may mga emergency kaya gustuhin ko man, talagang hindi kakayanin.”
At dahil nga hindi siya umubra ay ipinalit na sa kaniya ang isa pang magaling na aktor na si Tirso Cruz 111. Bukod pala sa telebisyon ay marami ring kumukuha sa kaniya sa pelikula.
Hindi pa nga lang niya maasikaso dahil sa hectic ng kaniyang schedule. Nangako naman siya na gagawin niya ang mga proyektong nilalatag sa kanya dahil knowing Vice Gov mahal na mahal niya ang industriyang nagbigay sa kanya ng pangalan at kung nasaan man siya ngayon.
Samantala, kabilang sa kaniyang serbisyo publiko ang pagmamalasakit niya sa mga kapwa niya artista.
Nagbigay siya ng tulong sa dating sexy star na si Vida Verde na ngayon ay nakikipaglaban sa sakit na cancer. Of course hindi rin siya nakakalimot sa mga kababayan niya sa Bulacan. Sadyang itinadhana na nga siya sa public service.