May 24, 2025
Polo Ravales prepares for his showbiz comeback
Faces and Places Latest Articles

Polo Ravales prepares for his showbiz comeback

Aug 1, 2015

By PSR News Bureau

Matapos ang matagumpay na operasyon na kinailangang pagdaanan ni Polo Ravales kamakailan dala ng pagkaipit ng kanyang litid sa kanyang lumbar bone. Natakot daw si Polo dahil akala ng aktor ay ito na ang kanyang katapusan. “Akala ko talaga, mamamatay na ako kasi sobrang sakit niya talaga,” sabi ng aktor.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng nagdasal para sa kanyang operasyon at maging sa mga kaibigan niya na nagbigay ng lakas ng loob sa kanya. Nagte-therapy raw ngayon ang aktor na bahagi ng proseso ng kanyang paggaling.

Ayon pa sa aktor, malapit na raw siyang maging handa sa kanyang muling pagbabalik showbiz. Miss na miss na raw ng aktor ang umarte. May mga proyekto na raw na nakalatag para sa aktor at ilang negosasyon sa kanyang manager ang inaayos sa kanyang pagbabalik.

Aminado ang aktor na medyo malungkot siya dahil hiwalay na ito sa kanyang nobya na non-showbiz. “Wala tayong magagawa, some good things never last. Ganun talaga. Walang permanente sa mundong ito,” sambit pa ng aktor.

Leave a comment